Entries for July, 2005
| OMG!!! Yes, I'm still alive!!! | July 1st, 2005 |
eo!!! hehehe!!! kung sino man ang sumusubaybay dito, patawad po... and yes, buhay pa po ako walang halikan na naganap nung huling araw ng pasukan ngunit... hindi... miss ko na siya... minsan umaasa ako na pagtanaw ko sa bintana ay makita ko sya... pero ano naman ang gagawin nya dito? unless totoo ang sinabi ng kasabwat nya... ibang usapan na yun... ang sarap balik-balikan yung magaganda [at windang] na nangyari sakin... samin.... kahit na rin yung masasakit... subalit... di ba mas maganda kung mayroong pang isang magandang pangyayari na maganap? para hindi ulit ulit yung mga iniisip mo... kahit marami... diba? ngunit pano naman mangyayari yun kung kahit anino nya ay hindi ko masilayan? hahaha!!! papaka senti na ko... tama na nga!!! tungkol naman dito... siguro papalitan ko na ang layout... pink siguro... hehe.... camellia kasi ang bulaklak ko ngayong panahon... dapat nga pink camellia para sa Hunyo... tapos pulang carnation naman ngayong Hulyo... pero... mas maganda ang pink camellia eh gagawa sana ako ng site sa 50webs... tatlo na nga sana eh... wala akong problema pagpasok dun... pero di ko alam kung pano ako makakapasok dun sa lalagyan ko ng codes ng layout.... langya naman to oh!!! buti na lang libre yun.... teka... libre ba? ah!!! honga pala... may isang kapitulo na rin ako sa wakas para sa Caramia... ginagawa ko na yung poster... kaso wala na akong naisip... ewan ko kung ano pa ang ilalagay ko... o aayusin... tataggalin... ganun ganun.... para naman sa istorya... di ko alam pano ko isisingit si Rox... kay Hero at Sandy wala na kong problema dun... yung nagawa ko kay Joross... si Rox naman... alam ko na pano ipapasok ngunit... and ibig kong sabihin... paano ko gagawin yung parte nya... yung solong buhay nya.... pwedeng magkasundo o hindi ang mga magulang nya... o pwede namang isa lang... tapos dapat medyo mahirap sila... teka teka teka.... alam ko na!!! sana lang nga kaya kong ilagay sa salita... ilalagay ko dito yung mga link papunta sa pito kong fanfics.... [PITO?!] opo... pito.... dalawa lang na one-shot dun ang kumpleto... isa koleksyon ng mga one-shot... at yung iba... serye ngunit wala pa nga sa kalahati [kasisimula pa nga nung iba] e inabandona ko na... kasalanan ko ba yun?! ngunit binabalikan ko na.... paisa-isa... napasabak lang nga ako sa isa kasi tungkol sa kasaysayan ng mundo.... ngunit laging mag PINOY!!! MABUHAY!!! o sya sya... napahaba na ang kwento ko.... may isusunod pa po ata ako ngunit lalagyan ko muna ng laman yung mga links...
|
|
|
| I'm So Happy!!! | July 17th, 2005 |
eo!!! ang saya saya ko!!!!!! gandang simula ng araw to!!! not to brag pero... nanalo ako sa isang challenge!!! whoo hooo!!!! kahit isa sa dalawang sinalihan ko sa site na yun ayos lang!!! isinali ko kasi ung tatlong avatars ko... yung regrets, endless love, at camellia... may isinali pa akong dalawang buttons kaso di nga yun nanalo... aaminin ko di ako masyadong nagandahan dun nabasa ko pala to: -isang Bagyong paparating! sa sama ng panahon, -Tatlong BANGKAY,natagpuang BUHAY! -Capt. Hook dumaan sa Quiapo, pinirata! -Palaisdaan, NASUNOG! - Tahanang Walang Hagdan, INAKYAT! -BAKLA sumali sa away, NAPASUBO! - Bagong tuli nagyabang, LUMAKI ANG ULO! - BULAG nakapatay, NAGDILIM daw ang paningin! - Iceman nanood ng BOLD, nag-init! -Tindera ng suka, TINOYO! - Teacher nagkamali, TINURUAN ng leksyon! -Eroplano nag-crash, lahat ng pasahero NAMATAY sabi ng mga survivor! - Dahil may reklamo, eskwelahan ng mga PIPE nag-noise barrage! - Tubero, NAGKA-TULO! -Lalaki natagpuang PUGOT ang ulo, inaalam pa kung buhay! -Misis ng photographer, NAKUNAN! -Tindera ng TUBIG, namatay sa uhaw! -Kaso ng PILAY, nilalakad! -Invisible man, nakita na!
yan lang po muna.... mamaya babalik ako.... aayusin ko lang po ito...
|
|
|

hehehe... tinamad lang po mag type... tas nawalan pa ko ng server ng halos isang linggo [pangatlo na ata yun] kaya yun... wala lang po akong magawa ngayon kaya naisipan kong balikan to
dami na akong ginawa simula nung nawala ako... siguro lalagyan ko lang po ng laman yung mga pages ko.... wekkk!!! wala pa pala yung laman!!!
NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT!!! Siya naman ang huli kong
sabi nya... "paalam... kita kits na lang sa susunod na taon..." pero bago nun.... NAKU!!!! nakunakunaku!!!! pinaglaruan nanaman ang pangalan ko!!! [kailan ba hindi?
] pero ayos lang yun.... at least diba... isang summer ko nang supply ng kaasaran yun....
hehehe!!! no offense....
alam ko saan magsisimula... alam ko na yung mga problema... pero... di ako sigurado kung tama ang mga ilalagay ko doon... tsaka!!! eh yung mga pangalan nila kung hindi orihinal/inimbento e ingles... hay nakunakunaku!!! bahala na nga!!!
