Entries for January, 2006

My 15th Birthday!!!

January 11th, 2006

First of all, I want to thank God for the blessings He gave me for the past decade and a half. I hope He'll bless the other years to come, and also guide me so I won't do something that I'll regret someday. It's my 15th year. *sigh* Lots of things went wrong, yet I'm sort of happy where I am today. [It would've been better if I did what I had in mind before summer came, but oh well!!!] Wow!!! 15 years and still surviving... still surviving...

Anyways... yung sonnnet ko po pala, ipinare-type ni ma'am [buong klase...] so ginawan ko ng background, MiroSan... and so... pasensya na po kung makikita nyo po ulit yung sonnet ko pero wala na po akong magawa... PS revised na po ito:

I simply can't take this any longer!
I have suffered so much for oh so long!
This should have ended when we were younger,
when the birds still sing their beautiful song.

>>Sango na Sango 'di ba! Pwede ring Miroku... lalo na dahil sa Kazaana nya...

I should not have agreed to play this game!
We would not have to suffer so much.

>>Sango pa rin... yung 'game' yung proposal ni Miroku...


Everything should have been just the same;
I should not be missing your gentle touch.

>> *repeat last line* hmmm... something's familiar... *repeat again* and then it hit me... GENTLE TOUCH... at dito na po ako natawa kung nanonood po kayo ng InuYasha, alam nyo kung bakit... :naughty:

Every night I'm crying on my pillow,
crying out a muddy, twisting river.
Wishing this pain would be gone tomorrow,
I hear the wind's disapproving whisper.

>>river? yung view after ng Ep. 132 [proposal]... wind? Sango... merong blowing wind pic din po si Miroku kaso sa ibang direction lumilipad eh... pero oh well...

hehehe... 'gentle touch' walanghiya talaga.... 'gentle touch'

anyways, back to my b-day [yan, sige!!! papansin ng papansin!!! tsk tsk tsk!!!] UN-BE-LIE-VA-BLE!!! 15 years?! at ano? less than 1/3 lang ang height ko?! NAKU PO!!! walangya talaga...

naku!!! ewan ko lang kung manonood kami ng Morning View bukas o kung ipapakita ang pangalan ko.... wehehe... tingnan lang natin kung hindi nila mabalubaluktot ang apelyido ko... tsk tsk tsk....

anyways, I've been going to 7th period po pala... naku!!! mas mabuti pa sana kung mula pa noon ako sumali... tanga ko kasi... anyways.... ANG BIGAT NG M-1 RIFLE!!! JUSMI 10 POUNDS!!! langyang topak!!! kung noon pa ko sumali e di sana ngayon 'di lang ako nakacompete at may flag detail ribbon kundi nasanay na rin sana ako sa bigat nun!!! linsyaking langya talaga!!! oh well, nakakacatch up naman ako eh... I think... I hope....

anyways, gawin ko na po ang hw ko... ang sama po 'no? b-day na nga may hw pa... langya naman... post ko na lang pag alas 12 na... naku, kung nasa Pilipinas ako, 15 na 'ko... on second thought, update time manually ko na alng kaya? hala sige mandaya na!!! tsk tsk tsk...

btw, magsisimba po pala ako mamayang 7pm... tapos papalitan ko na ang layout either mamaya o pagkatapos kong magsimba... guess who's featured?! :wink:

btw, ngayon---mamaya---na po pala ang launching ng New Horizons!!! naku po!!! weeeee!!!

I'm officially 15 at 6:39am, January 11, 2006

Posted by Calanthe at 12:47 AM | Gets?


New Layout!!!

January 15th, 2006

Image hosted by Photobucket.comAt long last!!! nawala na rin ang katamaran ko!!! It's kinda bleh---I mean like the colors and the rather rusty blending and stuff pero... what can I do? I just LOVE MiroSan!!! yeah, yeah... addicted nanaman po ako sa InuYasha -__-" Anyways... the title... "Whispered Intimacies"... I got it from the meaning of some Japanese words, chiwa and mutsugoto, which meant something along the lines of whispered intimacies, sweet nothings, lover's talk... [Pinaplano ko pong gamitin yung Sweet Nothings sa site ng NashLene... para, u know, Sweet Nothings... Sharlene and Nash... pero parang >.<"]

Updated:
  • Other Asian Songs

  • English Songs

  • Avatars


babalik po ako sa susunod kasama ang mga personality quiz [oh yeah!!! hahaba nanaman ang page!!!]


Posted by Calanthe at 05:25 PM | Gets?


Senti Mode

January 16th, 2006

{{Sango mode po muna ako}} ang tanga ko talaga... napaka gaga ko... mas sira ulo pa 'ko sa mga nasisiraan na ng bait... ang tanga ko... ang gaga ko... kung bakit ba naman kasi 'di ko pa ginawa yung dapat na ginawa ko noon... e 'di sana... sana... mas maganda ang takbo ng buhay ko ngayon... sana 'di ganito ang tinatype ko... sana hindi ako naguguluhan ng ganito... sana... sana...

sana kung... kun mangyari lang saakin yung nangyari sa If Only at ibalik ako sa mga ganitong panahon nung nakaraang taon... noong masaya pa 'ko... nung nagkasakit ako ng konti... nung magkalapit pa kami... nung tinanong n'ya 'ko... may natitipuhan ka ba? may natipuhan ka ba?

oo, matagal na 'yun... oo, nagpakatanga ako noon... oo, itinanggi ko na... na... oo, mayroon nga akong nagugustuhan... oo, may nagustuhan na rin ako noon... pero... pero iba 'to... mas matindi ang nararamdaman ko ngayon... oo, ikaw 'yun... ikaw 'yun...

ba't ko ba s'ya pinagtabuyan noon? ba't ba ako nagpakipot? ba't ba nagsinungaling ako? ba't ganun ang ginawa ko? ba't 'di ako nagpakatotoo? bakit hindi ko ginawa ang dapat kong ginawa?

para masaktan? para marinig ang boses n'yang sabihing may nagugustuhan s'yang ibang babae? para sabihin n'ya 'yun sa pagmumukha ko? sa pagmumukha ko habang ginagawa ko ang trabahong dapat ginawa n'ya sa klase? para saktan n'ya 'ko ng 'di sinasadya? ng hindi sinasadya...

may kutob po ako na sinadya n'ya 'yun... para makita kung anong magiging reaksyon ko... para makita nya kung magseselos ako... kung magagalit ako... kung may pakialam ako... kung ano ang papel n'ya sa buhay ko... at siguro... kahit na sinubukan kong ipakita na galit ako... na sinaktan n'ya 'ko... na nagselos ako... siguro... siguro malabo 'yun...

malabo nga... niligawan n'ya ang babaeng 'yun sa harapan ko... sa harapan ko... pinagtatadyakan n'ya 'ko... unti-unting nabasag ang puso ko... sa tuwing nakikita ko silang naghaharutan... sa tuwing nakikita ko silang nagkwekwentuhan... sa tuwing nakikita ko silang magkasama... nasasaktan ako... pero... pero sinubukan kong matuwa para sa kanya... sinubukan kong pakawalan s'ya... sinubikan kong ibalik ang aming relasyon sa pagiging magkakilala lang...

sinubukan ko ngunit may nangyaring binuhay ang pag-asa kong pwedeng maging kami... binasted s'ya ng babae... tinanggihan s'ya... natuwa ako ngunit malungkot s'ya... at ng nakita ko ang mukha nya... hinilng ko na sana, kahit masaktan pa 'ko, sana magbalikan sila... dahil 'yun lang ang paraan na alam ko para maging masaya s'ya...

at 'yun nga ang nangyari... binawi ni babae... isa pang pagkakataon... unti-unti sinubukan kong pakawalan s'yang muli... unti-unti nadurog muli ang puso ko... unti-unti nagkabalikan sila... hanggang sa wakas... ang huling eksena... naghalikan sila... at nakita ko ang lahat...

alam kong dapat kong pigilan ang luha ko... alam kong kagaguhan ko ang simula ng lahat ng ito... alam kong dapat 'di ako umiyak... alam ko na 'pag may isang luhang pumatak mula sa mata ko, malalaman nilang lahat kung ano ang nararamdaman ko... alam ko na dapat makarating na 'ko sa banyo kung ayaw kong malaman nila...

pinasalamatan ko ang Diyos dahil sa mainit na araw na 'yun... dahil ang pawis ko'y sobrang tindi, hindi nila malalaman na iiyak na 'ko... nagpasalamat ako na namumula ako kapag napapagod... at dahil dun, hindi njila malalaman na hindi lang pagod ang pagkamulang 'yun... nagpasalamat ako na halos labasan na sa klase... konting tiis na lang...

narating ko na ang pintuan... ilang yapak na lang... may humadlang pa!!! lola naman!!! ba't ka pa po humarang? ba't mo pa po ako tinanong kung anong nangyari? ba't itinanggi ko? ba't pinaalala n'yo pa po saakin? ba't natutuwa ang lahat ng tao? ang lahat ng mga tao... maliban sa'kin...

tubig!!! tubig na lang ang makakapagligtas saakin!!! umalis kayo sa inuman!!! umalis kayo sa gripo!!! lumabas na kayo sa banyo... lumabas na kayo papunta sa maliwanag na sikat ng araw... kalimutan n'yong andito pa 'ko... baka hindi ko na kayanin... pero hindi... may uuwian pa 'ko... naghihintay pa ang sundo ko... sana mapula pa ang mukha ko... sana pinapawis pa 'ko... sana mainit pa sa labas... sana andyan pa kahit konti ng sakit ko... kailangan ko pang magtiis ng ilang oras... hanggang tulog na ang mga tao... hanggang wala ng makakarinig saakin habang ako'y umiiyak... konti na lang....

konting tiis pa nga'y nagkahiwalay din silang dalawa... sana 'di na s'ya malungkot... kung 'di lang naman kasi ako nagsinungaling... e 'di sana... sana ngayon... 'di lang hanggang titig ang abot ko... hindi lang hanggang asa...

pero hindi naman masamang umasa 'di ba? halos isang buwan pagkatapos ng paghihiwalay nila... halos isang buwan pagkatapos ng pagdurusa... sa wakas... napansin din nila... may nakatunog na din... isang taong 'di ko inaakalang sasabihin 'yun sakin... isang taong napalapit na saakin bilang isang kapatid... anak... estudyante...

sinadya n'ya man o hindi, nagpaiwan s'ya 'di lang para magpaturo sakin... kundi para na rin tsumismis... kita mo? kalalaking tao naninismis? at hindi lang 'yun... tinanong ba naman daw ako kung ano ang nararamdaman ko dun sa walangyang kaibigan n'ya... ba't ko naman sasabihin sa kanya? e hindi naman s'ya yung tao eh... sasabihin n'ya daw dun... mahiyain daw kasi 'yun... naku!!! maniwala... e kung ano anong kabalbalan nga ang ginagawa ng topak na 'yun eh... ibang klase naman talaga ang mundo... at nagkataon pang sumabay 'yun sa proyekto naming kakaiba... saranggola...

at lumipad nga ang aking pag-asa... bumalik kami sa dati... kopyahan ulit... kwentuhang muli... kulitan... ang saya ng buhay... hanggang tinanong n'ya muli 'yun saakin... ang isang tanong na hindi ko masagot-sagot sa harapan n'ya... may nagugustuhan ka ba?

at muli, ako'y nagsinungaling... wala... wala akong natitipuhan... katangahan nanaman 'to, alam ko... pero ano ba ang sasagutin ko? ang katotohanan? at kapag sinabi ko nga 'yun, tatanungin n'ya 'ko kung sino... e alangan naman sabihin ko sa kanya na ganun ganun na lang, diba? diba?

buti na lang, ngayon alam n'ya na ata na nagsisinungaling ako... sinabi n'ya na 'di daw totoo 'yung sagot ko... at ipinares na n'ya nga ako sa mga lalake sa klase... sa lahat ng mga lalaki... lahat... maliban sa kanya...

at nawala nanaman s'ya... 'di nanaman pumasok... sira talaga ang ulo nun... kung bakit ba naman kasi 'di 'yun pumasok? at eto nanaman ang aking sumbungero... tinanong sakin kung asan na ang mokong na 'yun... at ang sabi ko naman... wala sa bulsa ko... pano ko ba naman malalaman kung asan na 'yun? e sa eskwelahan lang nga kami nagkikita eh... at sinagot n'ya ako... isang sagot na inaasam asam kong marinig na galing sa ibang tao... kasi may namamagitan sa inyong dalawa...

namamagitan? saamin? ano ka? hilo? oo daw... meron nga raw namamagitan saaming dalawa ng walang hiyang 'yun... kung alam n'ya lang kung gano n'ya ko pinasaya... pero 'di pa pala tapos ang pag-aarte... umeksena nanaman... sabi daw 'di daw 'yun pumasok dahil sakin... dahil sa'kin? may sayad na nga ito... ba't naman 'yun 'di papasok dahil sa'kin? at sinagot nanaman ako ng nakakagulat na sagot... dahil daw hindi daw nun matiis ang kagandahan ko... kagandahan ko? aba!!! 'di kaya 'to nakasinghot ng kung ano? e tumira ata 'to eh...

babanat na sana 'ko kung 'di ba naman sumuporta 'yung nasa tabi kong babae... sino kamo ang sinuportahan? e 'di sino pa? 'yung nangeeksena!!! at pinagtanggol pa rin nung isa pang lalaki... aba aba aba!!! mali ata 'to... tatlo laban sa isa? aba!!! lagot kayo!!!

at lagot nga!!! narinig ng mokong 'yung pinagkakalat ng sumbungerong 'yun... pero... ba't naman kaya ipinagtanggol n'ya ang kanyang sarili? hindi lang sinabi sa'kin na 'di totoo 'yun kundi papatayin pa ata 'yung nangkalat... hehehe... hay naku!!!

ilang linggo ang lumipas... halos dalawang buwan din 'yun... tumahimik ang buhay ko... ang buhay namin... dalawang beses lang kaming pinaginitan sa klase... buti na lang... tama na sakin 'yun... kahit ganun lang... masaya na 'ko dun... hanggang...

hanggang 'di nanaman pumasok ang mokong na 'yun... naiwan nanaman ako, ang sumbungero, at mga kaibigan namin... at dito na pumasok ang isa sa mga malapit kong kaibigan dito nung nakaraang taon... lima kaming nasa isang mahabang lamesa nun... dahil nga patapos na rin 'yung taon, wala kaming ginagawa... kaya nagkakwentuhan ang tropa... at eto naman si daldal, binuksan nanaman ang nakasarang baul...

ayun!!! lumabas na!!! at nagulat ang dalawang babae dun sa lamesa namin... sila na lang nga ang 'di pa nakakaalam... 'yung mas malapit sa'kin gulat na gulat... imposible 'to!!! tatadyakan n'ya 'yun!!! bubugbugin n'ya 'yun!!! PAPATAYIN n'ya 'yun!!! aba aba aba!!! huminahon ka iha!!! 'di pa nga namin napapag-usapan 'yun eh... 'yung isa naman... ewan ko... pero may kutob ako na parang nagselos ng konti 'yun... selos man o alam n'ya na o wala s'yang pakialam... iba 'yung reaksyon n'ya... siguro inoobserbahan na 'ko nun... alam n'ya na ata...

at pagkatapos nilang bumalik sa katinuan, tinanong ko naman si daldal... paano mo mapapatunayan na may pagtngin nga sakin 'yun? sagutin ba naman akong: sa susunod na tatawag 'yun ittape ko... ganun? e ba't hanggang ngayon wala pa? at 'yung isang daldal naman... oo... tama ang pinagsasabi n'ya!!! 'kaw lang ang bukambibig nun!!! hahaha!!! maniwala!!! siguro kokopya lang 'yun... at pinaasa pa 'ko na... na sa huling araw daw ng pasukan e umuwi ako ng maaga... may balak daw 'yun na... na... na gumawa ng eksena...

at huling araw na nga... pinagtripan naman ako ng isang malapit kong kaibigan na hindi masyadong marunong umingles... sinulatan ba naman ang damit ko na gusto ko daw si mokong... tinanong ko s'ya kung pano s'ya nakasisiguro... e kasi daw may kasabihan daw sakanila na kapag mas kinaiinisan mo ang isang tao, mas minamahal mo daw 'yun... e kasabihan din 'yun sa Pilipinas eh!!!

s'ya... ang walangyang mokong na 'yun... ang huli kong nakausap... ngunit... walang eksenang nangyari... ayos lang... nakita ko naman s'ya sa daan pauwi e... tsaka dalawang buwan lang nama't magkikita kaming muli...

at 'yun ang nagpatakbo saakin sa dalawang buwang 'yun... oo masaya nga... andyan ang pamilya... walang pinoproblema... katuwaan lang lahat... pero... wala siya... hindi na ko makapaghintay na lumipas na agad ang oras para makita ko na s'ya...

at malaman na halos nawala ko na ang lahat... sayang... sayang na sayang talaga... kung 'di lang dahil sa maliit na pagsisinungaling lang na 'yun... sana... sana...

sana nakakausap ko pa rin s'ya ngayon... sana nagbibiruan pa rin kami ngayon... sana iniinis n'ya pa rin ako ngayon... sana... sana hindi lang titig ang inabot ko... sana hindi lang ang damit n'ya na ipinasa sakin ng madaldal n'yang kaibigan ang nayakap ko... sana... sana...

at kung sakasakali man pong may taong nakakaintindi nito, pasensya na po...

sa mga taong nabanggit ko, kapag nalaman nyo man kung ano 'to, alam nyo na kung sino kayo...
sa "sumbungero't madaldal" kong kaibigan, pasensya na...
sa tropa, pasensya na rin...
sa mga kaibigan kong babae na gulat sa isinabulag ng madaldal kong kaibigan, pasensya na...
sa isa pang madaldal dyan, pasensya na rin...
at higit sa lahat...

pasensya na sa pagsisinungaling ko sa'yo, walang hiyang mokong ka... pasensya na dahil ipinagtabuyan kita... pasensya na dahil hindi ko kagad nalaman ang patutunguhan ng tanong mo... pasensya na... patawad... ngunit... bakit hindi mo kinapalan ang mukha mo't sinabing... baka naman ako? ba't hindi mo sinubukan kung kakasya nga sa'yo ang sapatos? bakit hindi mo na 'ko pinapasin ngayon? bakit iniiwasan mo ako? hindi mo na ba 'ko kilala? bakit 'di mo 'ko inaasar? walang hiya ka!!! nagbago ka na ba?

'di pa ko nagbabago, walangyang gago ka... eto ako kapag wala ka...

Posted by Calanthe at 04:21 AM | Gets?


I Thought I Let It All Out

January 20th, 2006

but then again... hindi pa pala... kinabukasan ng huli ko pong drama, ayun, drama nanaman... maaga akong nakapasok sa paaralan... at habang walang magawa, at 'di makabasa sa dilim, nagsulat po muna ako... ang tanga 'no? 'di makabasa pero sumulat... malaki na talaga ang sayad ko...

ng early release kahapon, wala kaming praktis para sa kompetisyon bukas... akala ko makikita ko sya sa may field pero nagkamali ako... alam ko namang may posibilidad na wala sya dun e... pero umasa pa rin ako...

habang hinihintay ko 'yung kapatid ko, nakita ko sya... naglalakad kasama ng kanyang tropang kakilala ko nung nakaraang taon... at ang mga taong 'yun ay madalas ko ring nakikita lalo na't dahil nandun din sila sa JROTC... ang lapit lang pala namin... hindi ko lang nalaman ng mas maaga...

at ngayon... ngayon nakita ko po s'ya kanina papuntang pilosopiya... nakita ko s'ya... at sigurado akong nakita n'ya rin ako... sigurado rin po akong nagtagpo ang mga mata namin ng isang saglit... isang saglit... umiwas sya... ayaw nya na kaya akong makita? ba't 'di nya ako binati o inasar man lamang? ba't umiwas sya?

pinipilit ko ang sarili kong 'wag ng umasa pa... wala na sya dun... umuwi na 'yun... 'di mo na 'yun makikita pa... tama si Steph e... I missed my chance... probably my only chance... nawala na... pinakawalan ko... dahil naduwag ako... dahil natakot ako...

"at ang pinakamalaking pagsisisihan mo sa buhay... ay hindi mo nasabi sa taong minamahal mo ang nararamdaman mo sa kanya..."

tama sila... tama silang lahat... isang malaking pagkakamali nga 'yun... pero mabait ang Panginoon para bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon... alam ko na kapag pinakawalan ko 'to baka mawalan na 'ko ng pagkakataong makasama sya---o kahit makausap man lang... pero anong nangyayari ngayon? naduduwag pa rin ako...

andyan lang sya... marami syang kakilalang kakilala ko... kakilala ng kaibigan ko... marami kaming koneksyon... 'di lang nila alam kung ano and nasa loob ko... at kahit na obyus na, itinatanggi ko pa rin... siguro naloko ko din sila... siya...

siya lang naman ang nagiisang hindi sumangayon sa kanila... yan ang pagkakaalam ko... sumangayon siya sa'kin... walang namamagitan sa'min... at ngayong napagisipan ko ito... baka sumangayon lang siya sa'kin dahil sa takot na mabigong muli sa pag-ibig... dahil ayaw nyang umasang may pag-asa kami...

hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko... ano ba'ng mawawala sa'kin kapag kinausap ko s'ya? ano ba'ng pwedeng mangyari? ano ba'ng kinakatakutan ko? ba't hindi ko s'ya mabigyan ng kahit isang mensahe? dahil sa baka kung anong isipin ng ibang tao? na ako ang unang umamin? ano ba ang masama kung pag-usapan nila 'ko? ba't hindi ko 'yun magawa? e sa totoo lang naman e marami na syang ginawa para magsuspetsa ako na mayroon pang ibang dahilan kung bakit sya kumopya sa akin araw-araw nung isang taon... pero 'di pa rin ako sigurado kung pareho nga ang iniisip namin.... 'di ko pa rin alam kung bakit ng umpisa'y ginawa nya ang kanyang trabahong mag-isa ngunit simula nung nagkatabi kami ng upuan... ng nagkausap kami... ng nagkalapit kami... ay parang umaasa na sya sa'kin...

ano ba'ng mawawala sa'kin 'pag kinausap ko sya? wala naman 'di ba? ano pa bang mawawala ko? pero bakit natatakot pa rin akong kausapin sya? bihira lang naman kaming magkita sa paaralan kaya hindi naman ako mapapahiya o kung ano kapag inasar nya 'ko... ikatutuwa ko pa nga ata 'yun e...

pero bakit naduduwag pa rin ako? ano ba'ng sasabihin ko kapag... 'pag sakaling nagkaroon nga ako ng sakit at kausapin sya? takot din ba kaya akong masawi sa pag-ibig? para ano pang nagkaroon ako ng mga kaibigan?

tulong naman po dyan o... nagmamakaawa po ako!!!

Posted by Calanthe at 11:56 PM | Gets?


Competition Day

January 22nd, 2006

so... today's the competitions... hay naku!!! nakakapagod po!!! pero it's fun!!! yeah, sure dalawang awards lang ang nakuha namin: platoon armed regulation and male color guard, pero hey! eto na po ang pangalawang beses na napawalambisa namin ang sumpa

sa pagkakaalam ko po, ako ang unang nakarating doon, 5:47 pa lang ay andun na 'ko... may mga estudyanteng taga-sunset na dumating habang hinihintay ko ang iba... dumating sina diana't fernanda... tapos ang magkapatid na ye, si franko, at tina... dumating na ang BC, naglakad dun sa kabilang direksyon... tinawag namin sya't tinanong ba't hindi sya pumunta dun sa'min... 'yun pala'y nasa kabila ng grupo ng sunset yung iba... aba!!! walangya!!! kumakain at nagtsitsismisan na pala sila dun!!!

anyways... alas 8 na po ng umaga nagsimula ang competisyon... nung tanghali, isinali po ako dun sa platoon dahil sa kakulangan ng tao... ilang beses akong inilipat dahil nasa maling paa ako pag marcha... minsan, masyadong malayo ako sa nasa unahan ko... sa wakas ipinwesto ako sa pagitan ng matandang ye, chris [yun ba yung pangalan nun?], nick, at cynth... bandang ala 1:15 ng hapon, nagmarcha na kami... medyo nagkamali ako dun sa 15 ct. manual dahil nga po inaalala ko yung nametag ko... sana lang 'di nila nakita 'yun... kaya nga gusto ko sa gitna... kaliwa't kanan, harap at likod 'di makikita nagkamali si mike dun sa report in & out... kung 'di sya nagkamali dun siguro'y baka nanguna kami... pero oks lang 'yun... at least nanalo 'di ba?

pagbalik ko 'dun sa tent, may isang oras na lang akong natitira para sa susunod na kompetisyon... tumambay muna ako kasama yung mga kasamahan ko sa squad... kain mamaya-maya, iinom, maglalakad, praktis, upo... kahit ano na lang... hanggang dumating na nga ang oras... andun na kami... tiningnan muna ni jennise yung double time-quick time namin... tapos pumasok na kami... 2:20... dapat nga 2:15 kami dun eh... pero may nagmamarcha pa... nagkamali si cynthia dun sa dress right dress, yung una, dahil 'di daw sya mapakali since may kompetisyon pa sya pagkatapos na pagkatapos lang nun... nagsimula na kami... una kong pagkakamali ata ay 'yung sa backwards march... nagsimula kasi ako sa kanan pero naayos ko din kaagad [SALAMAT!!!] nakalimutan ni liz na magsabi nung column half right/left at nahuli pa sya sa pagsabing forward march, pero 'di ko naman sya masisisi dahil unang beses nya pa lang yun at pagod na rin yun... naghuli ako ng konti dun sa right flank hesitation ba... buti na lang naayos ko... left flank... konti na lang... column half right... konti na lang... lipat ng baril sa kabilang balikat... konti na lang... isa pang column half right... malapit na... rear march... ayun... labas na... right face... column right... nasa labas na kami... umalis na sina jennise at cynthia... dali! TAKBO! si BC na ang nag take over... ayun na ang judge... sige... makinig! kulang daw sa motivation... konti lang daw ang mali pero may malalaking "woops!" meron pang mga sinabing 'di ko masyadong naiintindihan...

bumalik na kami sa kampo... andun na sila, platoon exhibition... mas magaling sila kaysa sa inaakala namin... isipin mo, hindi ata nila alam ang sequence, tapos may kinuha pang mga taong galing sa kung saan [pero syempre sa paaralan namin...] galing!

awards na... kami ang unang paaralang nakapunta dun sa kampo pero kami ang huling nakapunta dun sa may basketball court... final knock out... andun yung nakalaban ni mike sa huling kompetisyon, yung nakatalo sa kanya... minomock ni mike yung commander ata yun o yung nakatalo sa kanya nagkamali nga yun at natalo pero nakakuha naman yung pangalawang award... ayun... nagsimula na ang awarding... kahit na medyo tahimik ay nagdadaldalan pa rin kami... platoon with arms... "2nd place... SOUTHWEST!" sigawan! at ang reaksyon ni miko: TAKBO! baka mawala pa ang isang napanalunan natin! pagbalik nya, sabi nya tinanong daw nya yung bumigay ng trophy kung tamang award ang ibinigay sa kanya kasi daw e 'di naman kami ganun kagaling... pangalawang beses na na napawalambisa ang sumpa... at siguro, isasabak din kami sa susunod na kompetisyon... mamaya-maya pa'y male color guard naman... "3rd place... SOUTHWEST!" sigawan nanaman! ang reaksyon ng ibang tao: totoo ba 'to? natapos na rin ang awards... picture taking! ngiti dito, pakyut doon...

uwian na... yung ibang mga paaralan ay nagmarcha pa pabalik dun sa kampo nila, pero kami kanya kanya na lang... sa wakas makakapagpahinga na rin kami... kita kits na lang daw sa Lunes!

Posted by Calanthe at 02:01 AM | Gets?


Details

January 23rd, 2006

details details details... sure, maraming tao ang inis dito... lalo na kung gagamitin sa howmework... pero may mga nakakatuwang karanasan ako dito eh...

tulad na lang nung bakasyon... kumakain kami ng take-out galing sa Burger King... tapos na ako dun sa Chicken Tenders ko kaya pinapapak ko naman yung Large/King-size fries ko... naubos na yung Coke ko kaya rerefillan ko... kaso sabi ko, kapag umalis ako sa silya ko, siguradong pagnanakawan ako ng fries ng mga kapatid ko... pero kung ayaw kong mabulunan, dapat kumuha na ako ng maiinom... inayos ko ang fries ko't tinandaan ang pagkakaayos... sabi ko sa mga kapatid ko, 'wag nyong gagaliwin 'to... bilang ko yan... at yun, kumuha na ako ng Coke... nagtatawanan sila... alam ko pinlano, at maaaring kumukuha sila ng fries ko... bumalik na ko... tiningnan ko ang fries ko... bingo! sabi ko sa kanila... hmmm.... may kulang na isa... at yun! tumawa nga ang dalawa! inamin ng kapatid ko na kumuha yung bunso ng isang piraso... tinanong nya rin kung pa'no ko nalaman... sabi ko naman, sabi ko nga sa inyo, binilang ko yan... pero inamin ko nga kung ano yung ginawa ko...

kanina naman sa pampitong klase... tinanong saakin ni miko kung ano yung numero sa baril ko... sabi ko naman, habang kinuha nya yung rifle ko para masigurong tama nga yung sagot ko: apat-dalawa-anim-tatlo-apat-walo. sabi nya naman dun sa datihan, "Walang hiya! Alam ng batang 'to ang buong numero!" o 'di ba ang galing ko? ta's tinanong nya naman kung ano yung numero nun sa rack, yung huling numero, walo... 'di siguro ito macoconsider na detail, pero still... hanggang ngayon pa po pala, naaalala ko pa rin ang tatlong huling numero ng rifle na ginamit ko sa kompetisyon, walo-walo-siyam...

pagkatapos nun, kumain naman kami sa Pollo Tropical... pinarefillan ni mama yung baso namin ng Coke, yung akin at yung sa kapatid ko... pagbalik ng mga baso sa'min, sabi ko, teka sandali lang... tiningnan ko yung straw... hinanap ko kung alin yung may konting sira sa huli... nakita ko po yung sira na yun habang binubuksan ko pa lang yung straw... wala dun sa baso ko... tiningnan ko naman sa isang baso... bingo! sabi ko, eto nga yung akin

nakuuuuunakunakunaku!!! Mahal ko 'to!!! nakakatuwa yung pagugulatin mo yung mga tao dahil alam mo kung ano ang eksaktong kalagayan ng mga bagay-bagay... ang saya!!!

Posted by Calanthe at 08:50 PM | Gets?


Busy Week

January 28th, 2006

ok, so maybe not the whole week... yung last 3 days lang---more or less... anyways, Lunes, nang tayo'y magkakilala sa pagkakaalala ko po, nag PT ako... tas yung lab sa bio ginawa namin... tapos basa nanaman sa history... Martes, nang tayo'y muling magkita vocab. sa English, discuss ng projek sa philo, tas sa algebra naman test, tas tinawag ago dun sa TRUST office para sa drug testing ng DFYIT...

Miyerkules, nagtapat ka ng 'yong pag-ibig [sana... e 'di sana ngayon wala na akong inaalala, 'di ba?] turn in ng lab sa bio, gawa nanaman ng isa pang lab, tas linis ng lab tables... JROTC inspection day... ang naging platoon sergeant namin 'yung bagong C/PFC [langya nakalimutan ko 'yung pangalan!!!] platoon leader naman namin si C/Cpl. Leo [langya! nakalimutan ko nanaman ang apelyido!!! ano ba 'to?!] Tinanggal ata nila c C/2nd Lt. Ricks R... ewan... basta!!! tas sa 1st platoon naman, 'yung bagong C/Sgt. [ata... wala po kasi 'yung sinuot na ranks e... basta sinabi nya sgt.] ang Platoon Sgt. at sa pagkakaalala ko si C/SFC o Staff Sgt. [sori po naduling!!!] Peter R. naman ang Platoon leader... teka!!! e parehong seniors ata 'yung mga 'yun ah!!! tas sophies at juniors lang samin?! aba ano 'to?! biro lang po!!! balik tayo... asan na nga 'ko? ah!!! o tapos lumabas naman si 1st Sgt. Valdes... tiningnan nya yung guidon bearer naming si C/PFC [ata o Corporal?] Nels R.... tsismisan sila... tingin ako, tas... narinig ko n lang, [not word by word] "u need a more sharper-looking cadet. Azutillo fall out!" tas reaksyon ko: AKO?! SIGURADO KAYO?! AKO?! pero ang liit ko!!! ['di ko po sinabi 'yun ah!!!] at 'yun na nga... nasa 2nd platoon na sya... at ako? aba!!! tinuturuan ako ng mga kuya ko [aba kumapal ang mukha!!! feeling close!!! kuya daw!!! ] kung pano yung sa flag thingy... pareho lang naman sa rifle... EXCEPT sa present arms... dapat pala dun present pa lang itaas mo na yung flag tapos 90o pa kaya konti na lang "charge!!!" naku po!!! sana maperpekto ko 'yun sa martes!!! neways... sa history naman, sabi ni sir, gagawa daw kami ng skit... langya!!! nung una, kami daw ang pipili ng groups... tas nilipat lipat kami... kaya ayun!!! Ako, si Carolina, Gabe, Tonio at si Myke ang magkakasama... sina Gabe at Mike yung serfs, si Carolina merchant, si Tonio ay kasali sa workers guild, at ako naman ang apprentice nya [kuya!!! ] at since may presentation si sir ng araw na 'yun, dapat sana'y ngayong Biyernes namin 'yun gawin... ewan ko na lang kung anong ginawa nila, kasi andun ako sa JROTC room... ang sama!!! lupit!!!

Huwebes, ay inibig din kita... vocab. test sa English tas research para sa projek namin.... current events thingy naman sa philosophy... tas picture taking pa ng DFYIT ng lunch... tas yun namang gawain sa algebra... langya yun!!! akala ko pa naman assignment na yun... yun pala gagawain pa lang namin!!! hmph!!! tas sa graphing paper pa daw dapat, kaya yun!!! inulit ko... mas maganda na sya!!! tas mas accurate [at sabi naman ni mike na sinasayang ko daw ang oras ko pagpapaganda nun... e sa gusto ko eh!!!] sabi naman ni arcy "that came out pretty" [salamat sa lapit at eraser!!! ] tas sabi daw ni ma'am "u-r-so-neat!"

Biyernes, tayo ay nagmamahalan... mga puso natin ay sadyang nagaawitan hala!!! nakatulog pala ako bago mag alas 7pm ng Huwebes!!! 3:57am na!!! hala dali!!! type type type ng lab report!!! at himalang natapos ko yun sa loob ng isa't kalahating oras!!! sa skul naman... naku!!! dapat ba kaming nakauniporme?! may nakauniporme ba dito?! naku po!!! palakad na ko sa JROTC room ng... CYNTH!!! nakauniporme din sya!!! salamat!!! sabi nya daw dapat signan daw ng teachers yung field trip form... kaya ayun!!! takbo!!! wala pa sila... makabalik nga muna sa kwarto!!! flag detail!!! tamang tama!!! pangalawang beses ko na yun!!! 7:10am pala ha... naku!!! makikita nyo sa Lunes!!! tapos dapat daw pumunta kami sa 1st period tas iaannounce na lang daw nila... kaya yun... TAKBO!!! pag dating namin dun... pinabasa kami ni ma'am... pinapirmahan ko yung feild trip form ['di kinuha ni Pierre yung kanya, kaya yun ^.^] tas sinabihan ko si Tonio na baka 'di ako makarating sa 5th period pero sabi nya daw e baka pagawin yun sa'min sa ibang araw... bahala sya!!! isang beses lang naman ako magsasalita dun e!!! neways... tapos na ang reading time... pinatulong naman kami sa paglinis ng lab tables... at andun na yung announcements... tinawag ko na si Pierre pero sabi nya nawawala daw yung ribbon nya... wek wek wekkkk... hanap dali!!! wala pa rin... tara na huli na tayo!!! TAKBO!!! asan na yung iba?! hala!!! nasa labas na!!! permission to fall in. ayun... pinapunta pa si Pierre sa banyo para linisin yung sapatos nya... habang kami dinadakdakan/nagdadakdakan pa habang naghihitay sa iba... ayun na ang lahat... marcha ng konti [dalawang oras] tas ayun na yung bus... tumabi ako dun kay Jacky---teka parang sa lalaki yan... yung buong pangalan na nga lang!!!---Jacqueline... ganun ata spelling... basta... kwentuhan... tas ayun na sa parade... forward march... martime... parade rest... forward... martime... froward... martime... hanggang ang 15 mins. ay naging 1 oras at 35 minutos [sabi ni Chris Y.] pabalik ay kumain naman kami sa McDo... Kiddie Meal: fries, Coke, tas hamburger [plain, sa iba cheeseburger] at kung gusto mo yung laruan, may 10 push ups ka... ano 'ko hilo?! pero itong si Kowyen... humihingi pa ata o humiram, basta ng nakita ko na lang, walo na raw na pinagrugtong-rugtong na Hot Wheels ang nasa mesa nya e 'di ngayon tuloy walumpong push ups na ang gagawin nya!!! tas... yung iba, pwedeng mag-stay sa JROTC room at mamiss ang 5th period... ang iba namang 'di maafford na mamiss ang klaseng yun o ang may gustong oumunta, pumunta... naku!!! ngayong naiisip ko na, baka malagot ako dahil wala ako dun!!! sana naman hindi!!! btw, kilala pa pala ako ni Will... aba!!! tindi ng memoria nun ah!!!

since nakalimutan ko yung order.... special section!!!

7th period lesson with C/Cpt. Miko... isang way para matandaan ang generals [enlisted] B.e M.y L.i.t.t.l.e G.e.n.e.r.a.l G.o.d.a.m.i.t! B.r.i.g.a.d.i.e.r, M.a.j.o.r, L.i.e.u.t.e.n.a.n.t, G.e.n.e.r.a.l, G.e.n.e.r.a.l o.f t.h.e A.r.m.y... yun po yun... tas may isa pang beses, pagkatapos ata ng BMLGG na yun, tinanong nya si 'Shon ng sumtin sa WWII... 'di ko rin nga alam e... tas sunod [ata] pinakaunang presidente ng US... numero ng rifle... numero ng tatlong pinakahuling numero sa rifle kapag pinagsama-sama... tas iba pang mga tanong... pagdating sakin: gano ka katangkad?! HA?! YUN?! tawa naman ako... sabi ko 4'10" tas sabi naman ni Yanez na mas mababa sakin, anong tinanong nya sa kanya? tanong ko yun wag mong kunin! [ke miko nya ata to sinabi...] aba aba aba!!! no fair!!! ba't ako personal?! hayyy... tas nung Lunes ata yung wala na daw kaming flicking thingy... tas inarrange nya kami by height... pero sabi nya inarrange nya kami from smartest to dumbest... at kung tama ang pagkakaintindi ko... ang tatlong lalaki ang pero ewan... saya pa rin... B.e M.y L.i.t.t.l.e G.e.n.e.r.a.l G.o.d.a.m.i.t [opo, minali ko po yung spelling...] hayyy...

Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan nagtytype pa rin po ako... popost ko na 'to sandali lang...

at pag sapit ng Linggogiliw ako'y iyong iniwan sana makakumpisal na 'ko!!!

O kay bilis ng iyong pag-dating
pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
natulog akong ikaw ay kapiling
ngunit wala ka ng ako'y gumising

O kay bilis ng iyong pag-dating
pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Sa isang iglap lang nawala ring lahat


'di kaya... e ilang oras kaya 'kong nadistrak sa pag-type nito

Posted by Calanthe at 03:45 AM | Gets?


« 2005/12 | 2006/02 »



¤ Home
¤ Archives
¤ Profile
¤ Portfolio
¤ Link Me
¤ Sources
¤ Joined Fanlistings
¤ Tagboard