Entries for March, 2006

Just When I Thought

March 10th, 2006

Just when I thought I was over you
Just when I thought I could stand on my own


teka teka!!! hindi po yung kanta!!! 'di po ba sinabi ko noon na sabi nya 'di nya 'ko kilala? well, ngayon po kasi, pinuntahan ko ulit yung pahina nya [ano pa bang bago? e lagi naman ako bumibisita dun e!] tas may kumoment sa kanya... e pinuntahan ko naman yung pahina nun... at ang nabasa ko? "... siguro dapat magkwentuhan tayo minsan... alam mo na? pagusapan natin yung dati, naaalala mo (pangalan ko---ako, 'si sya--- ika-limang klase) sobrang nakakatawa yun!" aba! ganun? at anong nakakatawa sakin? tsaka... akala ko 'di nya ko kilala? akala ko 'di nya ko naaalala? aba aba aba!!! ano 'to? either na 'di nya binasa yung prof ko o iniiwasan nya lang talaga ko... ah basta! nabuking ko! oh!

aalis po pala ako ngayon papuntang Lakeland, FL... wow! "LD Platoon" sa States Competition... WOW! matangkaaaaad na Kanong commander, magkapatid na kalahating Kubano, Kalahating Instik na "tanga" [sabi ni komander!], isang [actually, dapat dalawa] maliiiiiit na batang babae na halos kasing-tangkad ng rifle, isang 19-year-old na nalilito pa rin sa kanyang kanan at kaliwa... ... ... at isang States Competition kung saan sila kasama... himala 'di ba? hehehe... sana lang manalo kami... para makapunta kami ng Georgia ^.^ sayang, 'di namin kasama si Jenny...

hay ewan... naku! sana mabasa ko pa ang reply ni kwan ni langya... opo, minessage ko nanaman po...

Posted by Calanthe at 04:22 AM | Gets?


New Layout!!!

March 19th, 2006

Image hosting by PhotobucketAs much as I hate to say goodbye to the MiroSan layout, but it's been up for a bit too long now. Time for change! [Even though I'm still obsessed with those two...] Speaking of change, it's Springtime people! Not exactly, but still close enough. So here goes "Rebirth." I'm gonna change layouts again probably on mid-April/May. So enjoy! ^.^

Habang ginagawa ko po ito kanina, naisip ko kung gaano nakakarelate yung kowt sa dalawang huling sinulat ko bago nito... kung kelan ako nawalan ng pag-asa, tsaka naman binuhay muli ang pag-asa ko... ganito naman ako nung isang taon pa 'di ba? kung kelan ako naging handang pakawalan sya, saka naman binasted ng babae... kung kelan akala ko makakalimutan na lang yung sinabi ng kaibigan nya sakin, e saka naman nya [yung kaibigan nya] binanggit sa mg kaibigan ko... at dalawang beses pa po ha! ewan ko nga kung siniswerte lang ako o sinumpa... pero kahit ano pa man, maligaya pa rin ako sa buhay ko... well, hindi masyado kasi 'di ko na sya nakakausap, pero at least 'di ba nakikita ko pa rin sya... at alam kong naaalala nya pa rin ako...

Posted by Calanthe at 03:00 AM | Gets?


Dreams

e 'di ba nga po mga 5:17 na ko nakatulog kaninang umaga... e sabi naman po ni mam, every 90 minutes daw tayo nag rREM [Rapid Eye Movement] at nagkakapanaginip... ewan ko po kung 5:33 yun o 6:33 kaninang umaga dahil nga hindi ko masyadong kita yung relo... basta to ang alam ko...

nagkokomputer pa daw po ako... sa Myspace ako nun... bukas na ang mga ilaw... tas nadakip daw ako ni papa... tas sabi ko... yung akong ako... e 'di ba kanina pa 'ko umalis? e yun nga po... tas nagising daw po ako... bukas ng onti ang pinto... may dilaw na ilaw akong nakikita, gaya ng ilaw namin... kinukurot ko po ang sarili ko, paniguradong gising na 'ko... una, may parang mga karaom ang kaliwang kamay ko [kaliwa nga ba yun? o kanan? ewan!] parang 'di po ako pinapakurot sa sarili ko... sabi sa likod ng utak ko, alam mong tulog ka pa, ba't mo pamkukurutin ang sarili mo? e basta nakurot ko na lang po... apat na beses ko ring inulit ulit yun... e medyo masakit kaya sabi ko, gising ako! gising ako! gising ako! sabi na't umalis na ko kanina pa eh! sabay pa yung paa at kamay sa selebrasyon po ah... e ayun, e parang sumilip ata si papa sa may pinto... dakip ulit... at dun na ko nagising ng tunay... sarado pa ang pinto, pero sigurado akong may tao na sa labas... e dahil nga po ayaw ko ng bangungutin pa nun, tumagilid ako, harap sa kanan... hanggang narinig ko ang tv na bumukas... si papa... weather channel... nakow! kelangan ng bumango't maghanda para sa misa... at ayun po... 'di ko inaakalang hanggang ngayon naaalala ko pa rin yun... hay ewan...

nga po pala... dahil pinag-uusapan na rin lang naman natin ang myspace... kahapon po pala, e sumagot sa sulat ko si... ahh... yung isa ko pong babaeng kaibigan... hindi si walangya ngunit ayos lang...
sulit naman yung nabasa ko eh... SA WAKAS! nalaman rin ang ipinahihiwatig ko: na parang may pagtingin sya dun sa isa kong pang kaibigan... e tingan mo naman po kasi... kung ipapakita ko po sa inyo ang ginagawa nila sa pananghalian at hindi ko langyan ng boses, ganun rin po ata ang iisipin nyo... at lalo na kung sasabihin kong... binayaran ni lalaki yung pananghalian ni babae kasi yung isang kaibigan ni babae [na akala nung ale e kapatid nya] e kinuha yung pagkain nya... napakamaginoo po 'di ba? sayang lang at 'di ko yun nakita... ngunit kung andun naman ako, 'di naman ata yun mangyayari... hay naku! eto nanaman po ako... jusko! despirada na ata talaga ako... pati buhay ng iba pinakekealaman... kulang na lang direktoran ko na yun eh... nunit 'di ko magagawa yun... e ayaw ni babae kay lalaki eh... e ano naman ang magagawa ko? oras na lang ang aasahan ko... hehehe...

Posted by Calanthe at 08:12 PM | 1 got what I said


Names

March 23rd, 2006

ewan ko po kung ano'ng pumasok sa kukote ko at nagisip ako ng mga pangalan... siguro dahil yun sa palabas na napanood ko, Half a Dozen Babies... ganda sya ^.^ kyut ng istorya... at totoo pa po ha! uh huh, as in sextuplets, lahat buhay, lahat kyut! ^.^

at ayun na nga po... nagandahan lang ako sa pangalan ng dalawa sa anim... Julian at Claire... naisip ko na gayahin yung istilo ni papa sa pagpangalan samin... siguro naman, alam nyo na po ang pinatutunguhan ko dito... anyways, naisip ko, dapat may backup... kaya kung babae, Juliet, at kung lalaki... hmm... mamaya na yan... yung huling letra muna ng pangalan nya... at since English at French yung dalawa, at pwede pang Spanish, naisip ko na tama lang naman kung Italian yung huli... hanggang sa nakita ko ang pangalang Sophia... habang naghahanap ako ng panlalaki nun, naalala ko ang origin ng pangalan ko, Cecilia... hmm... pwede naman yun... pagsakaling may kambal... naku!!! >.<" ang sarap sanang batukan ang sarili ko!!! anyways... kinonsider ko na rin po ang pangalang Serena... pero ewan... at kung lalaki... Stefano... hehehe... may sira na talaga 'ko... maganda rin naman ang Cerise, pero ang dami namang pambabae na C dito... siguro, Charles na lang... at extra... Matthew at Marjorie... Adrian at Agatha...

napansin ko po na magaganda pala ang French names... wala lang... type ko... hehehe...

Posted by Calanthe at 08:32 PM | Gets?


Biology Class

March 29th, 2006

habang iniisip ko po kung ano ang mga klase ko bukas, naalala ko yung lesson namin sa Biology noong Lunes... ito po ang isa sa mga pinaka-interesting na lesson namin para sakin... yung isa tungkol sa mga panaginip ng tao... at ito...

NERVOUS SYSTEM

A. Central Nervous System
    I. Brain
       a. Cerebrum
       b. Cerebellum
       c. Brain Stem
    II. Spinal Cord

B. Peripheral
    I. Sensory (feel)
    II. Motor (act)
       a. Somatic Nervous System (voluntary)
       b. Autonomic Nervous System (involuntary)
          i. Parasympathetic
          ii. Sympathetic

at dito po sa Sympathetic magsisimula ang aking napagaralan...

SYMPATHETIC [NERVOUS SYSTEM]
>>> pupils dilate
>>> throat dries
>>> bronchi relaxes
>>> heart beat faster

yan... yan po ang nangyayari kapag nagmamahal ka... well, yun ang sabi ng guro at sa tingin ko may kinalaman nga ang utak natin dito... kahit na ang utak ay biktima lamang ng ating mga damdamin... sa mga karanasan ko, ang huling dalawa ay sigurado kong nangyari... ang pangalawa, minsan, oo... pero yung una... mahirap malaman yung una... sa kalagayan ng mata ko, mahirap talaga... ngunit, gusto ko po itong subukan... isang araw... pag nagkalapit kami't magtitigan... tingnan lang natin...

sabi po pala ng guro, mabisa daw po yung una... sinubukan na raw po yun ng isa sa mga estudyante nya... ang nangyari po ay: yung babae ay kinuha ang kanyang kaibigan at sinabihang tingnan kung mag-dilate ang mata ni lalaki... e ngayon, hindi daw nag-dilate yung mata kaya't naghiwalay sila... makalipas ang ilang taon, nalaman ni babae na bakla pala si lalaki... ginamit lang daw sya para di sya madiskubre... galing 'no?

at kahit na ayokong makialam sa buhay ng may buhay, pinaplano ko pong subukan ito sa dalawa kong kaibigan... sana lang maayos ang mga mata ko... at kung sakaling hindi mag-dilate ang mga mata nila, titigilan ko na ang pagpapareho ko sa kanila... ngunit kung mag-dilate... ano naman kaya ang gagawin ko? sasabihin itong lesson? nakow! last will and testament ko!!!

ano naman kaya ang pagaaralan namin bukas?

Posted by Calanthe at 12:03 AM | Gets?


« 2006/02 | 2006/04 »



¤ Home
¤ Archives
¤ Profile
¤ Portfolio
¤ Link Me
¤ Sources
¤ Joined Fanlistings
¤ Tagboard