Entries for April, 2006

New Layout!!!

April 9th, 2006

Image hosting by Photobucket I know, I know... 'di pa nga nag-iisang buwan, palit na 'kong layout... ano po bang magagawa ko? e ang gaganda ng nilagay ni Ms. Ivy sa gallery nya... yung Red by Chen Shu Fen & Common... ang kyut talaga!!! GALING NG CFS&C!!!

anyways... teach me... how... to mend a broken heart... asus! nagsenti pa... pero ano po bang magagawa ko? e yun ang 1st impression ko sa pictures e... the pics tell a sad story... sa interpretasyon ko po... eto si babae, may hawak na bouquet ng red roses... nasa loob ng tren... long haired na sya ngayon... siguro dalawa o tatlong taon na ang nakalilipas... at habang nasa loob sya, naaalala nya ang nakalipas... nakatulala sya sa labas habang binabalikan nya ang mga nangyari... nagiisa syang nakaupo sa may hagdanan... dumating si lalaki't nakita sya... itinuro nya ang daan at kung ano pa man... naglakad sila ng magkasabay... at siguro naging magkalapit sila... tas isang araw, tumawag si lalaki kay babae... at yun... ipinakita ang isang kotse at si babae... anong nangyari? ewan ko po...

SPRING BREAK na po pala sa wakas!!! isang linggong walang klase... ang sarap!!! tas nung Wednesday po pala, may field trip kami... Pass n Review para sa JROTC... anong nangyari? Pass n Review... kala nga po namin iinspectionin pa kami... pero hindi, kasi daw masyadong marami o parang ganun... nakita rin po pala namin yung dati naming BXO... nahiya ata nung tinawag namin... hehehe... kinabukasan naman, may field trip ulit ako... aba aba aba!!! para naman po ito sa Philosophy... may nakilala po akong isang survivor ng Holocaust... si Mr. Leo Rosner... Polish po ata sya sa pagkakatanda ko... nga po pala, ng Miyerkules, may Top 10% ceremony po pala kami... at ang nakuha ng 1st year recepients: letter... and i mean a big, purple letter "S" na may nakasulat na "ACADEMICS" sa gitna... ganda po 'no? ang 2nd-4th yr recepients naman po pins ang nakuha... sana makaabot ako dun!!!

o sige po... hanggang sa susunod...

Posted by Calanthe at 10:20 PM | Gets?


Ticket Machine

April 10th, 2006

so pumunta po kami ng Chuck E. Cheese para sa kaarawan ng isang katrabaho ni mama... binigyan kami ng tokens tas naglaro kami... pa-close na yung tindahan kaya inubos na namin ang mga tokens... ako nilaro ko lahat sa may Skee Ball... swerte nga po kasi naka tatlong beses akong pumasok sa 100,000 slot... lahat lahat 219 po yung nakuha ko... yung prize na kinlaim ko ay isang Play Doh, ruler, at sticker... yung kapatid ko naman, binigay na lang sakin at sa bunso yung tickets at tokens nya... ewan ko ba dun! [mas bata po sakin yun ha...]

at ang bunso namin... una, naiinggit sya sakin kasi ang dami ko na raw tickets... e sa isip ko naman, panong 'di dadami yun na ang tanda tanda ko na nasa may pambatang restoran pa rin ako... kahit na mas masaya pa rin kung maliit na bata pa rin ako... anyways, kinuha nya yung tokens na binigay samin ng isa ko pang kapatid... kinuha nya si papa at naglaro sila... pumunta sila sun sa isang machine na malapit sa may Skee Ball... nakalimutan ko na kung anong tawag dun ngunit ang object ng laro po ata ay i-drive yung kotse papunta dun sa kabila... basta ganun... tapos nakita ko na lang ang DAMI DAMING tickets ang lumalabas... hindi nga po tumitigil e.. sige lang ng sige... hanggang sa malapit na talagang sumara yung tindahan kaya kumuha na lang ng piraso yung dalawa tapos pumunta na sila dun sa Ticket Eater para kunin yung resibo 1097 ang nakuha lahat lahat... at may lumalabas pa pong mga tickets na kinikuha naman ng iba naming kasamang bata... kinuha ng bunso namin yung isang Barbie Rapunzel na laruan tas isang notebook... basta ba't masaya sya... total kaarawan nya naman sa 20...

ng tinanong ko kung pano nangari yun, sabi ni papa hindi daw lumalabas ng tickets yung machine kaya sinundot nya... e ayun, hindi na natatapos lumuwa ng tickets... nung napakarami na, sinabi ko na po sa isang tauhan dun... sabi naman nya sabihin ko daw dun sa gameroom person na naka black and white stripes... wala naman akong nakita nung una... at nung may nakita ako, sabi daw ni mama, sya ng bahala... ewan ko po kung ano nang nangyari dun... basta iniwan na lang naming sige pa ang luwa---sa pagkakaalam ko... sana lang may makakita dun...

kung sa tingin nyo po ang daya namin, wala pa po yan sa nakita ko... bago ko po kunin yung prize ko, may batang kumukuha ng kanya sa katabi ko... ang pinili nya e yung Spiderman na case para sa 300 points... kinuha ng tindera yung ticket receipt at pinunit nya... nakita ko po dun sa resibo nakalagay 113... ha? O.o sigurado po akong hindi yun 311---o 311 nga ba yun? pero kung 311 yun e siguro naman sasabihin yun ng tindera o nung bata... pero hindi... kaya siguro binayaran nila yun... o hindi? ah ewan!

basta ang alam ko, pinaplano ni mama na palaruin yung bunso namin sa slot machine... so, Vegas anyone?

Posted by Calanthe at 11:57 PM | Gets?


Titanic

April 23rd, 2006

"It's been 84 years, and I can still smell the fresh paint. The china had never been used. The sheets had never been slept in. Titanic was called the Ship of Dreams, and it was. It really was." It's been about three years since I last saw this movie, and yesterday, I had a chance to see it again whenever I want. Pumunta po kasi kami kahapon sa Target, kung saan nakita ko yung bagong release na Special Collector's Edition ng Titanic. Syempre, pagkatapos ng tatlong taong 'di ko napapanood yun, tiningnan ko agad yung DVD, at kahit na umexceed yun sa limit ko, pinalagpas lang ni mama, binalance off dun sa limit ng kapatid ko. Pagdating dito sa bahay, diretso agad ako sa tv.

Noon, memoryado ko ang bawat isang linya dun sa pelikula, ngunit ngayon, pagkalipas ng halos tatlong taon, konti na lang ang natatandaan ko. Habang pinapanood ko ang pelikula, unti-unting bumalik sakin ang nakaraan, ang mga linya, ang mga ginawa kong nagpatunay na mahal ko ang Titanic, ang lahat na nangyari, at kahit na halos isang daang beses ko ng napanood yun, hindi ko maitangging nakakaiyak pa rin ang pagkamatay ni Jack. Ng nakita kong may Alternate Ending na nakasama dun sa DVD, nabuhayan ako. Naisip ko, baka 'di na nila papatayin si Jack, ngunit iba ang nangyari. Pinatay pa rin nila si Jack, ngunit nahawakan pa ni Lovett yung Heart of the Ocean ng isang sandali bago itinapon ni Rose sa tubig.

Ano kaya ang mangyayari kung hindi namatay si Jack? Ano kaya'ng mangyayari kung hindi lumubog ang RMS Titanic? Ano kaya kung sineryoso nila yung iceberg warning? Hindi ko alam, ngunit isa ang tiyak: hindi magiging ganun kamemorable ang Titanic, kung magawa man yun. Nakakalungkot ang nangyari sa Titanic, ngunit wala na akong magagawa dun. Siguro masyadong mataas na ang tingin ng mga tao sa sarili nila noon kaya pinalubog ng Diyos ang barko. Sabi nga ni Cal, "God himself could not sink this ship." Sino ba naman ang 'di mainsulto o masaktan nyan? Lalo na kung ang nagsabi nyan ay ginawa mo. Ngunit kung buhay si Jack, nakapagsimula sana sila ni Rose ng panibagong buhay, konting tisyu lang sana ang nabili, at siguro hindi ganun karami ang umulit o nanood.

Kapag wala na akong gagawin, pinaplano kong panoorin ulit yung movie. Una, yung full movie with commentaries. Pagkatapos naman with the deleted scenes. At higit sa lahat, uulit-ulitin ko yung final version, yung director's cut ng isang daang beses gaya ng dati; sasauluhin ko ulit yun, at kung pupwede, pati acting---syempre yung kaya ko lang mag-isa, kahit boses lang. Malay natin, baka makasali ako sa animated version sa future, 'di ba?

Sa susunod na taon magiging isang dekadang gulang na ang pelikulang Titanic ni James Cameron. Gagawa kaya sila ng special? Ipapalabas kaya nila yung pelikula sa tv? O papalipasin lang ba nila ang taon? E ang mga gumanap---sina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet---ano naman kaya ang gagawin nila? Ang direktor: may plano ba s'ya? Ang mga tao: mapansin kaya nila? Uulitin rin ba ng ilan ang pelikula?

Ano man ang mangyari, hindi ko aalisin ang Titanic sa isa sa mga paborito kong pelikula. Hindi lang dahil sa cast ngunit dahil sa istorya at pa'no nila ito pinakita sa publiko.

Rose: I love you Jack.
Jack: Don't you do that; don't say your good-byes.
Rose: I'm so cold.
Jack: Listen Rose. You're gonna get out of here, you're gonna go on and make lots of babies, and your gonna watch them grow. You're gonna die an old... an old lady warm in her bed, but not here, not this night. Not like this. Do you understand me?
Rose: I can't feel my body.
Jack: Winning that ticket, Rose, was the best thing that ever happened to me... it brought me to you. And I'm thankful for that, Rose. I'm thankful. You must do me this honor, Rose. Promise me you'll survive. That you won't give up, no matter what happens, no matter how hopeless. Promise me now, Rose, and never let go of that promise.
Rose: I promise.
Jack: Never let go.
Rose: I'll never let go. I'll never let go, Jack.

Posted by Calanthe at 01:07 AM | Gets?


Marriot

April 26th, 2006

as you may know, ngayon po ang Marriot---actually Academic Achievements Awards and tawag pero Marriot na lang ang itinawag namin since ginanap po yun sa Dadeland South Marriot Hotel, 2nd Floor, Grand Ballroom... andun po ako kasi: una, ako po yung left guard sa CG; pangalawa, may award daw po ako...

so, CG muna... nagpatulong akong mag-ayos ng uniporme ko kasi 'di po ako sigurado kung tama ang gawa ko... unang beses ko pa lang po kasing isuot yung Class A na mag-isa ko e... anyways... nag-practice po kami ng sandali bago sumabak... e ang problema, tumatama sa bubong yung mga flags [tatangkad kasi eh...] e yung kumander namin 6 ft katangkad... yung iba naman po'y 5'6" and below... naayos ng dalawang flags yung kanila para 'di na tumama, pero yung kumander namin sobra talagang tangkad kaya sabi ni 1SG, "e kung si willie kaya ang ipakumand mo?" tas sabi naman nya, "pero... hmm... baka gumana nga po yan..." e yun, nagpalitan sila... kaya ang nangyari, ang guards e yung pinakamatangkad at pinakamababa [ako yan!] mas maganda sana kung ako yung nasa kanan... pataas ang itsura namin nyan... haha! ang kyut sanang tingnan ^.^ mga dalawa hanggang tatlong runs sa whole command tapos hinintay na naming magsimula... ayun! maayos ang pag-pasok... palabas na... ayos pa rin! o ayan na! ilalagay na lang ang flags... nationals... states... hala! pag about face, sino kaya ang tinamaan? AKO! hay naku!!! nakakatawa... langya... sana wala masyadong nakakita... hehehe... tapos lumabas na po kami---well, at least sa spotlyt... kinuha na ng MC...

community awards... tapos dinner... mmm... sarap! una salad... tapos main course na chicken... tapos dessert---choco cake! tapos ayan na... awards ulit... akala ko po academics ang makukuha ko... mali pala... kaya pala tinanong ako noon ni 1SG kung binigyan ako ng letter... e kasi naman pala ako po yung recepient ng "Excellence in JROTC" 1st yr [aka LET 1 and/or 9th grade... w/e] langya talaga... tch! kaya pala... akala ko pa naman psychic sila... hehehe... anyways... para sa 2nd yr, si Cristina Lugo ang nakakuha... 3rd Diana Mayorga [salamat po pala sa beret mo ^.^] 4th Chris Anton... hmm... may naaamoy ata akong ribbon ah... mwahahaha!!! basta ba't galingan ko lang... hanggang sa huli...

bago po pala magsimula ang seremonyas, kinausap po kami ni Ms. Victores... sabi nya raw po issummer ko daw po ang Algebra 2 tas sa susunod na taon magGeometry daw po ako tsaka PreCal... nice! at pag-tapos na ako sa apat kong math, yun namang iba ang aalalahanin ko... pero kung magssummer ako, may panahon pa kaya ako para mag summer camp sa jrotc? hay Dyos ko! tulungan Nyo po ako...

Posted by Calanthe at 02:50 AM | Gets?


« 2006/03 | 2006/05 »



¤ Home
¤ Archives
¤ Profile
¤ Portfolio
¤ Link Me
¤ Sources
¤ Joined Fanlistings
¤ Tagboard