Entries for May, 2006

New Layout!!!

April 30th, 2006

New Layout for the month of MAY!!! and yep! it's TITANIC (1997) alright! I told you I LOVE that movie! ^.~

so anyways... the blend's not that satisfying... pero yan lang naman po ang magagawa ko sa ngayon... di bale, pag April next yr [kung buhay pa 'to] aayusin ko po... originally nga e dapat yung present and past Titanic ang asa baba, morphed... tas yung famous na Jack and Rose "Flying" scene ang nasa navi box pero, changes are needed cos of the lack of pics, but w/e... ewan ko rin nga po kung makikita nyo ang iceberg at sina Jack and Rose nung lumubog ag barko e...

isa pa po 'to tapos... ginagawa ko pa po yung characters... tatapusin ko yun within the week, hopefully....

btw, this time, it's a "real" layout... i mean, yung codes, naiba... blah blah blah... kaso parang yung sa HSF yung layout ngayon but w/e... ako rin naman ang gumawa pareho eh....

so anyways, gtg na po... me gagawin pa 'ko...

Posted by Calanthe at 09:29 PM | Gets?


Matchmaker

May 1st, 2006

sa pinakawalang'yaan dito sa mundo!!! ako pa talaga ang pinagtutukan ni lola!!! ano ba naman kasi!!! ba't ba naman ako pinares dun sa---pa'no ko kaya sabihin 'to?---kubanong intsik na yun!!! hindi naman sa masamang tao yun o ano, ngunit... ewan... 'di pa ata ako nawawalan ng pag-asa dun sa isang mokong na parang 'di na 'ko kilala... langya naman kasi 'tong buhay na 'to oh... kung kelan pa naman may pupwede, e tsaka naman ako ang hindi pa handa... at kung handa naman akong sumabak, tsaka naman nakaroon yun isa... ano ba 'to?! ba't ba naman kasing dapat pa 'kong mabiktima nito? e wala naman talaga dapat akong pakialam muna sa pag-ibig... hindi pa naman ako pinayagan---o hindi ko pinayagan ang sarili kong magkasyota sa gulang na ito... pag-aaral muna, 'di ba? ayos na sana kung 'di ko nakilala yung walang'yang yun na pagkatapos akong istorbohin ng isang tao'y 'di na 'ko pinapansin ngayon...

naku! mabalikan nga yung babaeng yun... jusmi! 'di nya kaya alam? ano bang sinasabi ko! e 'di ko pinaalam dun e! kaya siguro ako ang pinagpiyestahan nun... hmm... pa'no kaya kung baliktarin ko ang ikot ng mundo sa susunod? pa'no kaya kung ako naman ang pumares sa kanya sa isang lalaki dyan sa tabi-tabi... total, mag-isa rin lang naman sya sa biyernes, 'di ba?

hay naku! kung 'di lang sana ako pumalpak noon, e 'di sana masaya na'ng halos lahat ng tao sa mundo ngayon... ngunit wala na 'kong magagawa dun... tao lang ako...

Posted by Calanthe at 09:13 PM | Gets?


Yearbooks

May 15th, 2006

well, today, nakuha ko na po yung yearbook ko... hanep na $80... pero worth it naman... hardbound na tas yung shiny pages pa ang ginamit... ayos 'di ba... konti lang nga ang pics ko pero ala ako paki... basta... mas mabuti sana kung LAHAT ng companies ng JROTC pinicturan... hehehe... e dahil guidon ako, madaling mahanap... nyahaha... ay ewan... patuloy ko na lang po 'to... finals na po eh... medyo pagod, antok, at tinatamad ako kaya...

Posted by Calanthe at 11:57 PM | Gets?


« 2006/04 | 2006/06 »



¤ Home
¤ Archives
¤ Profile
¤ Portfolio
¤ Link Me
¤ Sources
¤ Joined Fanlistings
¤ Tagboard