Entries for July, 2006
| Summer Camp Training Day 1 | July 2nd, 2006 |
![]() pumunta kami sa eskwelahan na naka BDU, ngunit hindi kami naka boots... kasi nga naman para madalian kami... may dala si SGM Gonzales na mga BDUs, para sakin... kasi naubusoan sila e... kasalanan ko ba yun? anyways, binigyan po kami ng mga "battle buddies"... sabi nila kami daw ni Jenny, pero binigay sakin si Moriah... kasi nga nandun kami sa may opisina nya... nagttrabaho sya habang tinatanggal ko yung mga abubot sa uniporme ni SGM... nilakad din po namin ang buong eskwelahan na nakasuot ng boots... para daw masanay kami... e ang tanga ko naman dahil hindi ko dinala yung itim na medyas... hay naku! yan tuloy, nagkablister ako... oh well... btw, ang sarap ng shower!!! kakatanggal ng pagod... ![]() |
|
Currently feeling: tired |
| Summer Camp Training Day 2 |
ngayon, pumunta po kami sa eskwelahan ng naka PT uniform... bait kasi nila eh... hehehe... kung kahapon, 1 lap lang kami, ngayon 2 laps na!!! hayyy... di bale... sa klase naman namin, nagpraktis kami ng iba't ibang positions para sa camp, hindi kami magmukhang... uhh... tanga... kahapon pala, may activity samin yung BC... dalhin ang tubig sa baldeng ito papunta sa kabila na hindi nagtatapon ng tubig... nagawa namin yun... ngayon naman, tinali kaming lahat... kelangan naming makapunta sa kabila pero dapat hindi mapuputol ang tali... yun ang hindi namin nagawa... oh well! better luck next time...yung blister ko po pala, hehehe, nilagyan ko ng bulak at medical tape... naku!!! nakakapangitim nga ng paa yung medyas na yun!!! ![]() |
|
|
| Summer Camp Training Day 3 |
tatlong laps!!! naku!!! bukas nito isang mile na!!! jusko!!! kung di pa dahil kay Moriah, kasama ko na si Adrian [no offense sa kanya...] but anyways... may mga exercise sila para samin ngayon... sa pinaka likod, run in place, tapos may closed push ups, wide arm push ups, push ups, mule kick, flutter kick, at may mga iba pa... hay grabe!!! pagkatapos pa nun, tumakbo pa kami ng isang lap!!! buti na lang buhay pa kami... para naman sa klase ng BC, dapat daw kami magkasya dun sa STEP thing... kalahati, nakuha namin, kalahati, hindi... oh well... we're average... sa klase naman ng mga Major, halos pareho pa rin... at! meron na po pala kaming bagong Battalion motto... ang kyut!!! eto:The Eagle is our brother, the symbol of our land and when we go to battle, he's there to lend a hand He gives us inspiration, he gives us courage too mess with our dear brother and we're coming after you We're all up with the rising sun we'll drill right through the grass We always do everything so you can kiss our [clap] Hidy, hidy who's almighty who the heck are we? Southwest Eagle Battalion JROTC Hey! aaand... ang rhythm nya parang kanta.... please don't steal that motto... tnx ![]() |
|
|
| Summer Camp Training Day 4 |
tama nga ako, apat na laps... isang milya... nakow!!! oh well... naglakad pa po kami ng 100 meters ata... pace count... nakuha ko at ng buddy ko 68 average... una kasi 67... tapos 69... kaya yun... pumunta po kami sa Tropical Park... naglakad lang kami papunta dun... tas tinakbo namin ng malapit na kami... ang laki pala ng parkeng yun!!! anyways, tumakbo kami ng limang rounds pataas at pababa ng isang hill pagkatapos ng 50 flutter kicks, 50 push ups at 50 jumping jacks ata yun... ah basta pagkatapos nun, tinuruan nila kami ng compass, azmuth, at yung sa pace count... madali lang naman... nakuha namin lahat... hehehe... pabalik naman, tinakbo namin... jusko! kakapagod!!! oh well... pagkatapos nun, tumakbo pa kami papunta sa room... kala ko nga di na ko aabot e... oh well... ![]() |
|
|
| Summer Camp Training Day 5 |
ngayon po, dinala namin ang mga bagahe namin... para malaman kung ano pa ang kulang, etc. halos kumpleto na ko.... kelangan ko na lang yung lock na magkakasya sa may zipper at yung sneakers ko... at yun pa palang pangshine ng sapatos... anyways, isang lap lang po ang tinakbo namin... tapos wala na... nga pala, may bday party kami para sa isa naming kasama... hehehe... yung cake na kinuha may rum... nyahaha! at nasa eskwelahan pa kami... tsk tsk tsk... oh well... tinulungan ko rin po pala yung buddy ko... since S4 din sya... inayos namin yung mga ranks... binigyan din pala ako ni Major ng bagong supply ng Brasso... nakow! kelangan ko palang linisin ang mga yun!!! ![]() |
|
|
| Summer Camp | July 3rd, 2006 |
eto po yung naaalala ko sa Summer Camp namin June 12-16, 2006Day 1 nagtagpuan kami sa may eskwelahan... halos 6AM pa lang nun... pagdating ko, andun na si SGM, Nic, Moriah, Scuba, Kristen, Frank at Adrian... dumating yung iba maya maya lang... grabe yung boots ni Major! napakakintab!!! hinintay pa rin po pala namin ang ibang tao para lang makuha namin yung bagahe namin... umulan pa ng konti... ng dumating si Cynth at nanay nya, naglabasan naman kami at tinulungan silang ibaba yung mga dala nila... konti pa at dumating na yung bus... kasama pala naming ang South Miami... pero ayos lang yun... nung una, akala namin dapat magkakatabi ang mga battle buddies, pero nung nalaman namin na kahit hindi, ayun! lipatan 2 da max!!! tumabi ako kay Den... nasa likod ko na si Yen-Yen, na yinuyugyog ang upuan ko... hay naku! pinakita pala nila yung Me, Myself, and Irene para di kami mabagot... ang kyut ng istorya... hehehe!!! huminto kami sa McDo para jumingle na ang dapat jumingle... langya! di kami pinakain... at ng sinabi yan ng isang kklase ko, pinakain na nga kami... hindi na ko bumili kasi breakfast pa lang... ano ko? gusto ko lang naman fries eh... kahit hindi ng soft drink... aka maihi pa ko... hehehe... kaya un... binigyan naman ako ng kklase ko nung... kung ano man ang tawag dun.. patatas din pero iba ang pakaluto... umulan din po pala ng bumaba kami... nakow! buti na lang at waterproof ang boots namin! "Gotta love Gortex!" ng makarating po kami ng Camp Miles, kinuha namin yung mga gamit namin... tapos inassign kami ng companies... nakuha ko yung Echo, kasama ko sina Major R., 1SG V., Miko, Krissy, Yen-Yen at syempre yung nanay ni Cynth... nasa Delta sina Moriah, Den at Cynth... sayang!!! di bale na nga! sa unang araw, ako pa ang naging tagabantay ng mga bagahe... kasi naman e! di ako pinasama ni Miko at Yen-Yen, tapos ako pa ang iisang kakilala dun ni 1SG... tapos, yung battle buddy ko, ewan... basta... mabait naman kaso... uh, hindi gaya ng mga kasamahan ko [no offense sa kanya] kasi naman sinagot sagot pa ang mga cadre... ay ewan! basta... andun lang kami, tinitingnan yung gator, binabantayan yung mga bagahe, habang yung iba e ginagawa yung mga tent... kung sa tingin mo e swerte kami, nakow! nagkakamali ka po! mas gusto ko pang may ginagawa talaga ako kesa magbantay lang... pero, sabi nga nila, importante din yung pagbabantay... nakakabagot nga lang kung minsan... nakakuha pala ako ng sarili kong tent... hehehe! ako kasi ang huling babaeng nakapunta dun eh! alangan naman kasing 'di kotulungan yung iba sa mga dalahin nila... lalo na't kami pa yung pinabitbit ng mga dinala ni 1SG para sa company... Day2 nag rock climbing at rope bridge naman po kami... sa rope bridge, naka punta ako sa kabilang side, pero sa rock climbing, hindi ko naabot yung tuktok... e kasalanan ko ba naman kasing spaced out yung mga bato at ang liit ng binti ko... yun namang kaklase ko, ang problema nya naman, e ang laki ng paa nya... hehehe... kung mag palitan kami, naku! maabot namin yung tuktok! ahehehe... oh well... pagkatapos nito... change of command tapos archery naman... sabi ni 1SG may natamaan daw akong ibon dun... hehehe... ang taas naman kasi ng target ko... kaya yun... tsk tsk tsk... saya naman... pagkagabi naman, nag shower kami, pero mas maaga kesa kahapon... maulan pa rin sa gabi... pero 'di kasing lakas kagaya ng kahapon... hehehe... nagkwentuhan kami kanina... sabi nila nabasa raw sila dahil sa ulan... most sa kanila... nakow! buti na lang sinarako ng todo yung tent ko... mwahahaha!!! nagparty pala sila... kinuha na ang mga portable radio at yun!!! hala ka dyan!!! Day 3 may kitchen duty ako sa umaga... naassign pa ko sa may mga basurahan! hmph! di bale... di naman masyadong marami yung ginawa namin... pagkatapos, nilinis namin yung canteen... pumunta na din yung company namin... indoor class raw muna kami... una, writing... tapos math... hehehe... saya nun! kaso yung iba nakatulog... hay ewan... pagkahapon naman, nagswimming kami... nakalangoy na po pala ako sa 11 ft!!! ok, so hindi perpekto pero, psh... at least di ako nalunod... muntik na, salamat na lang sa life guard... pumunta din po pala kami sa PX... aka trading post... bumili ako ng souvenirs, flashlight, battery, at insect repellent... hehehe... yung iba kumuha ng pagkain... mainit na pala ng gabi... hindi na rin masyadong maulan... at naglabasan na rin ang mga insekto... gumawa pala sila ng bonfire... sayang na miss ko most o it... pero kelangan ako sa Staff meeting eh... oh well... Day 4 land nav kami ngayon... pero mamaya pa daw yan... dun muna kami sa may obstacle course... langya nga eh kasi ako lang ang babae sa grupo ko... yung mga kasama ko mga lalaki... yung isa parang... uh... ewan... basta... lahat na lang gagawin ma "motivate" lang ako... hay ewan... basta napasa pagkatapos nun, land nav na kami... buti na lang tinuruan na kami nun sa SW... e di nakuha namin lahat!!! muntik na sanang malian yung isa... e pano naman kasi, sabi nya mali raw, tapos ng may mahanap kaming iba, sabi nya mali pa rin tas tama daw yung una... kaya yun... buti na lang binigay samin... pagkatapos nun, dun naman kami sa map reading... pero dahil mainit, hindi na kami pinatest... may motivation thing pala pagkahapon... binigyan kami ng mga shirts para dun... kaso lahat XL... yun tuloy, ang laki laki sakin... nanalo yung Bravo: ang iisang company na walang SW cadet... pero whatever... ang cute nung Echo rumble namin... surprising nga kasi halos lahat samin paos na---pero hindi ako!!! ![]() ng gabi, nag paalaman na kami... pero ako? hehehe Sadako aka Samara ang dating!!! naku!!! panakot na!!! nyahahaha!!! Day 5 paggising ko, nakita ko yung Alpha/Airborne giudon sa teritoryo namin... yun pala kinuha nila... hehehe... nag Closing ceremonies lang kami, tas yun, hinintay na namin ang mga bus... balik nanaman kami sa civilian clothing!!! pagdating ng bus, diretso na kami sa eskwelahan... walang hinto hinto... nasaakin pala ang Echo Guidon... gaya ng sabi ko, ako ang sinugo ni 1SG... pero oks lang... at yun... balik nanaman kami sa civilization... ![]() |
|
|
| Staff Prep |
June 26-29, 2006 Lunes yung Sunday to Tuesday ng 1st week ko po in civilization was spent in the pool... the rest of the week naman clean ng room at stay up hanggang, oh i don't know, 3am... at for the 1st time in about 10 days, kelangan kong gumising ng maaga... nakow! buti na lang di ako nahuli... in fact, ung instructors ang nahuli! mag aalas 9 na wala pa rin sila!!! -___-" oh well... salamat na lang kay SGM B'burn! wala naman masyadong gawain... diniscuss lang kung ano ang kelangan naming gawin, improve, and keep up... Martes inayos namin ni Dy yung File cabinet... ang dami ng papel na itinapon namin!!! nakow!!! sayang... oh well... aside from that, ala naman kaming masyadong ginawa... Miyerkules sinimulan na namin ang training schedule... yung unang 3 weeks pa lang ang natapos namin kasi yun pa lang naman ang binigay... at yun lang naman din ang ginawa namin buong araw... Huwebes last day na... wala ng masyadong gawain... yung C/CSM namin ginawa yung S.O.P para sa Flag Detail... kakatawa nga kasi ako yung parang grammar/spelling check nya... tawa kami ng tawa kasi sabi nya kay Dy, magkapareho daw kami... hehehe... at nung wala na kami masyadong ginagawa except na tumawag para alamin kung pupunta o hindi yung cadets, saka naman nahulog ang mga ribbons... pangalawang beses na daw po yung nangyari... oh well... at least me ginawa kami the last 2 hours... ![]() |
|
|
| New Layout!!! |
matagal ko na pong ginawa at kinode ito... ang akala ko naman kasi may June 31... ewan ko kung bakit... basta yun yung akala ko since 29th... kaya yun!!! tas tinamad ako ng "June 31" aka July 1... balak ko naman pong ilagay kahapon kaso gabi na ko nakaonline... at yun... eto... madaling araw na lang...anyways... yeah, that was my obssession with stars... actually, nakita ko lang po sa Aethereality.net yang pics na yan... nakalagay "Constellations" kaya ayun... blue nanaman! hehehe... oh well... next time, hindi ko po alam... pero sana ibang shade naman ![]() ![]() |
|
|
| Fourth of July | July 5th, 2006 |
ok 1st of all, I fixed the lil problem I had with the background... darn thing gave me a headache, but it was worth it...anyways, 4th of July, nope, wala pong fireworks dito sa amin, pero meron sa may bandang doon... westward... palibhasa halos lahat dito mga latino... oh well... tulog naman ako most of the day... 15 hours of sleep after 30+ hours of activity... tama lang naman... ![]() |
|
|
| Updates | July 6th, 2006 |
the Avatars, Colorizations, and Blends sections of Images are updated at last!anyways, latest craze ko po EG---Edison Chen and Gillian Chung of Hong Kong... they're so cuuute!!! wala lag, share ko lang po... btw, sumali po pala ako sa isang pacontest... colorization... pag nanalo ako ng kahit ano, babalik ako sa pagsasali sa mg contest o paggawa ng posters... pag hindi, improve muna :D nga po pala, binalikan ko na po pala mga anfics ko, kaso tatapusin ko muna bago ako magpost... PS may thunderstorm daw po dito... buti na lang sa 10 pa yung Leadership Academy...well, July 10-14 ![]() |
|
|
| Milk | July 11th, 2006 |
Milk... gatas... my "enemy" e kasi naman po, uminom ako ng gatas bago pumunta ng eskwela... e malay ko ba namang mageexercise kami at na hindi ka dapat uminom ng gatas bago ka magexercise... yan tuloy, pagkatapos ng 3/4 ng isang mile, sumuka ako... sayang yung Nesquik... kung alam ko lang sana... kaso hindi... hindi naman po kasi ako palainom ng gatas... except noon, kaso cereal naman yun... at yung PE classes ko noon sa hapon o bago maglunch, kaya ngayon ko lang nalaman yun...ha! to top it all off, hindi ako pinatulog ng kapatid ko... isang oras pa lang ako sa dreamland at nagising ako kasi hindi daw makatulog yung isa... e ayun, pinalipat ko sa kama ko... baka sakaling makatulog... pero hindi... daldal ng daldal hanggang alas singko ng umaga... pinanood ko po pala yung Bcuz Of U... ready na po kasi ako by 6am kaso yung pupuntahan ko e 9am pa magsisimula kaya yun... ang cute ng HeroSan... haaaaaaay... ![]() |
|
Currently feeling: sick |
| Master Training Schedule |
kinuha po ako ni 1SG from our so-called "company" para tulungan si Diana dun sa Master Training Schedule... nakow! buti na lang at dalawa kami... kung hindi, mababaliw na sana ang isa sa'min... two heads are better than one talaga...akala ko nung una, madali lang yun... yung demonstration ni 1SG madaling maintindihan... ngunit ng ginagawa na namin, nakow! yun na!!! nakuha man nga namin kung ano ang dapat gawin, nakakalito naman yung mga numero at naduduling pa kami sa liit ng font!!! hay ewan... bukas sana matapos na namin yun... at sana hindi na masyadong nakakalito... nakaligtas po pala ako sa PT... of course, dahil dun sa MTS... kung kelan naman ako hindi uminom ng gatas, saka naman ako nakaligtas! ano ba yan?! hay ewan... nakatulog po pala ako kanina... magaalas singko po ata yun ng hapon hanggang alas nuwebe... ang sarap ng tulog ko... nakabawi bawi ng konti... masama lang kasi kakain na kami nung paggising ko tas maghuhugas ako tas dapat matulog na ako... ngunit... nandito ako, naguupdate! ![]() ![]() |
|
Currently feeling: refreshed |
| My Wonderful DSL | July 12th, 2006 |
alam nyo po yung Master Training Schedule kahapon? NATAPOS NA PO NAMIN SA WAKAS!!! or so we thought... aayusin pa daw po yun ng mga instructors... ay ewan!nagsimula naman po kami sa training schedules para sa rest of the 1st 9 weeks... ang problema, kelangan naming ayusin LAHAT ng mga columns... it's gonna take a while... I got my wonderful, precious, and amazing DSL back today po pala... kakainstall ko lang kanina... ang saya!!! mabilis ulit koneksyon ko!!! balik Tristan ulit ako!!! woot woot!!! ![]() ah!!! sakit ng tiyan ko!!! nasobrahan ata ang kain ko ng Indian Mango >.<" ![]() |
|
|
| Microsoft Excel | July 13th, 2006 |
so today was a VERY rainy day... paglabas na paglabas ko ng banyo, lumakas ang ulan... naku! dapat nga sana hindi ako kumanta... anyways, nakapunta pa naman po ako ng eskwelahan na hindi masyadong nababasa... nabinyagan pa yung bagong jacket ko, yung bagong bag ko, at basang basa naman yung medyas at sapatos ko... ang saya...so ngayon, nakatakas nanaman ako sa majority ng mga activities... ngunit ginawa naman namin ng boss ko yung training schedules... kinuha ko na yung apat na malalaking binder kung saan nakalagay yung mga lesson... pati na rin yung draft ng mga instructors para malaman namin kung aling lesson... sya nagttype, ako naman dictate at hanap... patapos na kami, week 8 of 10 for the 1st 9 weeks... sinave nya at... AYUN!!! nagloko ang luma na pc!!! cannot save file daw o illegal operation... nakow!!! yun tuloy, simula ulit kami sa week 5... sabi nya, "sinabihan na ako na i-save yung gawa ko frequently, pero pinakinggan ko ba? hindiiii..." naalala ko tuloy yung "Low System Resources" :lol: ![]() |
|
|
| Microsoft Word | July 15th, 2006 |
looking at the titles from my past entries this week, napansin ko 2 things: 1.) lahat nagsisimula sa "M"... and I don't know why... 2.) almost lahat somehow deals with computers... hmm... techy week...anyways, natapos na po namin ang mga training schedules for the 1st semester... PARTY!!! naku! salamat talaga at natapos na namin ang 1st 19 weeks... Tristan Cafe [ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay] po pala ang feel ko ngayon... ilang oras na kakadinig ng OPMs... ngayon ko lang nalaman na kumakanta pala si Manny Pacquiao... at maganda yung boses ha... nice! boxer na singer pa! unless ibang tao naman yun... sinend po pala sakin ng isang kaibigan ko yung Microsoft Word... sa kadesperaduhan ko, klik lang ako ng klik... chinek ko kung nainstall na ang MSWord, ngunit, sadly, hindi... at dahil sumasakit na ang ulo ko, hinayaan ko muna... maya maya pa, after ng ilang songs sa Tristan, feel kong iattempt na magsulat ng ilang chapters sa fic ko... and it struck me... all of a sudden, wala ng Wordpad sa options!!! nagpanic ako! tapos naalala ko yung sabi ng kaibigan ko nung hindi ako sigurado kung nasaan yung files na sinend nya... "i-search mo sa computer mo"... at ganun nga ang ginawa ko... salamat na lang at nandun pa yung shortcut... at hindi ko pa pinapansin ang shortcuts noon... hay naku!!! binuksan ko kaso wala pa sa lista... kaya ang ginawa ko: bukas, open file, close... halos anim na beses po akong paulit ulit ng kakabuka't kakasara ng program na yun... chinek ko, tama nga, nasa lista na... tas naalala ko na may iba pa palang taong gumagamit ng computer ko... kaya yun, balik buka-sara ulit... maya maya pa, sinabi ko sa kaibigan ko na wala naman Microsoft Word yung file na sinend nya... ng tinanong nya tatay nya, nalaman namin na may mali pala syang ginawa... buti na lang at alam ng tatay nya... sabi nya dapat daw tutukan nya yung mga ginagawa ng tatay nya para sa susunod, alam nya kung ano ang gagawin... and all that trouble para sa isang measly Microsoft Word... pero hindi naman yun magsisimula kung hindi ko narinig ang Limewire, dinownload, nagkavirus, at nawala LAHAT ng documents... hay ewan!!! that's life... what happened happened... and I can't change the past from this point... sana lang maayos ulit... ![]() |
|
|
| Afraid For Love To Fade | July 16th, 2006 |
How much more can I relate to this song? Grabe! Matagal ko na pong alam ang part ng lyrics ng kantang ito, at kung 'di pa dahil sa Tristan-Jam-Attack ko last Friday, hindi ko to madidinig... hayyy... Previously recorded by Jose Mari Chan in 1976, nirevive ng The CompanY ang beautiful love song na 'to ng 1999... Click Here for the lyrics, or here to hear the song. Ayan! nag-advertise pa! ![]() AFRAID FOR LOVE TO FADE The CompanY (Jose Mari Chan) My head's in a jam Can't take you off my mind From the time we met I've been beset by thoughts of you And the more that I ignore this feeling The more I find myself believing That I just have to see you again CHORUS: I can't let you pass me by I just can't let you go But I know that I am much too shy to let you know Afraid that I might say the wrong words and displease you Afraid for love to fade before it can come true Like a child again I'm at a loss for words How does one define a crush combined with longing Longing to possess you oh so dearly I'm obsessed with you completely I'll go mad if I can't have you CHORUS: I can't let you pass me by I just can't let you go But I know that I am much too shy to let you know Afraid that I might say the wrong words and displease you Afraid for love to fade before it can come true I can't let you pass me by I just can't let you go Let me say the things and say the words to let you know I would rather say the awkward words than lose you Or for love to fade before it can come true Afraid for love to fade before it can come true My head's in a jam Can't take you off my mind... *sigh* how true... too bad I think I let that person pass me by... sana lang mali ako... anyways, 2 new Blends added... well, one's a blend, and the other one, I just added some effects... pic's pretty enough ^.^ pictures and textures from Aethereality and fonts from Dafont I think that's it... I finally have Adobe Reader... now I can see all those school calendar chuvas... ^.^ sige po... till next time... ![]() |
|
|
| Haircut | July 20th, 2006 |
the split ends got into the last of my nerves... so, I got a haircut I feel kinda weird tho... hindi naging gan'to kaiksi ang buhok ko ever since 3rd grade... that was almost 7 years ago... that's almost half my life!!! dheng!!! I'm getting old!!! anyways, ng isang araw po pala, pumunta ako ng paaralan... kelangan daw ako eh... kaya 'yun... gumawa ako ng labels, nilista ko yung mga pangalan ng mga taong nagparticipate... at pinanood ko yung iba na puminta ng connex... hmm... ngayon ko lang naisip... ako lang pala ang babae dun... ganun?! aba aba aba!!! ano ito? XP anyways... since wala na akong ginagawa, ako ang pinalinis ng brushes... nakow!!! nagka White Lake kami pagkatapos... pano ba naman kasi yung gripo e nasa labas, wala man lang ditch o canal na pwedeng madaanan ng tubig... kaya yun... muntik pang mapitahan ng puti yung gulong ng blue na truck ^.^ nakow! buti na lang... habang hinihintay ko si papa... naglakad lakad ako sa eskwelahan... at since walang tao, eh, kumanta na ako... pero mahinay lang... just in case may mga janitor... Afraid For Love To Fade ang jam ko... at since walang magawa't walang makausap, may mga pumasok sa isipan ko... narevise ko ng konti yung chorus: I would let you pass me by I'll just let you go 'Cos I know that I am much too shy To let you know Afraid that I might say the wrong words And displease you Afraid for love to fade Before it can come true just a few words in the 1st 3 lines... and sa tingin ko yun ang ginawa ko... sana lang nagkakamali ako... natapos ko na rin po pala yung next layout... and yes, it's another blue... a dark blue... ewan ko rin nga po pero for the past 3 or so layouts shades of blue ang ginamit ko... hay ewan! yes! humahaba ulit mga entries ko!!! WOOT WOOT!!! XP wala lang... ![]() |
|
|
| AsianFanatics | July 28th, 2006 |
So, Winglin's down... again... I turned to AsianFanatics... I can't believe I siged up there in Nov of 2005 and I haven't posted ANYTHING yet! haaay... sabagay, mostly gallery lang naman ang habol ko dun >.<"anyways, I like the forums there... almost everything Asian! kasi most ng nakikita ko East Asia lang... I haven't seen Middle East just yet... pero hey! may Pilipinas so I'm not complainin' much! may fics din sila dun... I read one kaninang umaga... Untitled:her Story ang title nya... cute naman... worth reading the 24-26 chapters... yung last chappies ang pinakamaganda... fast paced... kept me on my toes... anyway... I came across a forum... about Princess Diaries... kita ko yung cast... Clarisse Renaldi... and I was like "pretty name!" ng tiningnan ko sa behindthename.com yung meaning, it turns out na it's related to Claire... pareho silang French, and "bright, clear" ang meaning nila [not to mention "famous," I think...] so anyways... AF muna ako... WInglin's down for like 2-3 days now, and I can't believe it!!! ang ikli ata nito... ewan! ![]() |
|
|



ngayon, pumunta po kami sa eskwelahan ng naka PT uniform... bait kasi nila eh... hehehe... kung kahapon, 1 lap lang kami, ngayon 2 laps na!!! hayyy... di bale... sa klase naman namin, nagpraktis kami ng iba't ibang positions para sa camp, hindi kami magmukhang... uhh... tanga... kahapon pala, may activity samin yung BC... dalhin ang tubig sa baldeng ito papunta sa kabila na hindi nagtatapon ng tubig... nagawa namin yun... ngayon naman, tinali kaming lahat... kelangan naming makapunta sa kabila pero dapat hindi mapuputol ang tali... yun ang hindi namin nagawa... oh well! better luck next time...
tatlong laps!!! naku!!! bukas nito isang mile na!!! jusko!!! kung di pa dahil kay Moriah, kasama ko na si Adrian [no offense sa kanya...] but anyways... may mga exercise sila para samin ngayon... sa pinaka likod, run in place, tapos may closed push ups, wide arm push ups, push ups, mule kick, flutter kick, at may mga iba pa... hay grabe!!! pagkatapos pa nun, tumakbo pa kami ng isang lap!!! buti na lang buhay pa kami... para naman sa klase ng BC, dapat daw kami magkasya dun sa STEP thing... kalahati, nakuha namin, kalahati, hindi... oh well... we're average... sa klase naman ng mga Major, halos pareho pa rin... at! meron na po pala kaming bagong Battalion motto... ang kyut!!! eto:
matagal ko na pong ginawa at kinode ito... ang akala ko naman kasi may June 31... ewan ko kung bakit... basta yun yung akala ko since 29th... kaya yun!!! tas tinamad ako ng "June 31" aka July 1... balak ko naman pong ilagay kahapon kaso gabi na ko nakaonline... at yun... eto... madaling araw na lang...
ok 1st of all, I fixed the lil problem I had with the background... darn thing gave me a headache, but it was worth it...
the Avatars, Colorizations, and Blends sections of Images are updated at last!