Entries for September, 2006
| Personality Quizzes | September 1st, 2006 |
What better way to start the month, ne? Matagal na rin since huli akong nagpost ng quizzes... jusko! Setyembre na!!! AHHH!!! bagong buwan, bagong simula ![]() Hindi ko alam kung may naulit ako, ngunit, kung meron man... bahala na nga! ma-compile nga lahat ng quizzes minsan... pagsinipag ako ![]()
WAAAAAHAHAHAHAHA!!! How true!!! ^.^
My FAVE!!! Wahahaha! Yuuko's hitsuzen!!!
langya ah! pangatlo na 'to!!! tama ulit!!!
really now?
provided na hindi ako maaksidente whatsoever... 82? pretty good! ![]()
diba kinuha ko na po 'to noon? tagal na... aba!!! teka nga muna... drama?! tama!
that runs it down... so what should i major in?
Ganun?
works for me... lupit talaga... astig!!! halos lahat tama... at related sa'kin... 3-day weekend pala ngayon... haaaay salamat! ![]() |
|
|
| Pairing Up | September 3rd, 2006 |
Hindi ko po alam kung ano ang meron sa taong ito na wala nung trese anyos ako, ngunit napansin ko na maraming nagtatambalan ngayon... andyan si Den at Shon... lalagay daw yung aklat sa locker... psh! langya! iniwanan kami ni Pierre ng mahigit kalahating oras, yun pala eh nag-uusap... nakaalis na yung tao, wala pa rin... buti na lang at dumating si Maikeru at kung hindi, nakow! tas wala man lang sinabi sakin! langya naman oh! ako tuloy ang isa sa mga huling nakaalam! hay ewan! ngunit, masya ako para sa kanila... lalo na kay Den... alam ko na me gusto yun kay kuya Shon... siya na mismo ang nagsabi sakin ng isang taon... sana lang tumagal yung dalawa... pagpumalpak yan, nakow!!! pagsususuntukin at paguuntugin ko ang dalawang mokong na yun! iwanan ba naman ako ng ganun-ganun na lang?! ![]() andyan rin si Yen-Yen at Jo-Jo... waaaaaaahahahahaha!!! langya tong dalawang 'to! XD [aba! ang magkapatid may mga kapares! ang saya! ^.^] hay ewan... nung isang taon pa sila... actually, ng huling araw ng isang taon ngunit, bago pa rin sa paningin ko :D ewan ko kung tatagal ang dalawang 'to... matatag sila sa ngayon... ngunit... iba kasi eh... mas bata sakin si Yen-Yen ng ilang buwan... tas kasing tangkad ko yung syota nya... parang... ewan! basta, bahala sila sa buhay nila...si Barney naman... nadulas ang kamay... nasabi sakin na me pagtingin sya kay Nanda... nagpanic pa yung tao... nyahaha! basta sabihin nya lang na wag kong ipagsabi, gagawin ko ang lahat para itago ang sikreto nya... ako pa! e 'tiyuhin' ko sya tsaka nagkalapit na rin kami ng bakasyon... ewan ko kung me gagawin yun o ano, basta maligaya ako't nalaman ko na hindi ako yun! hindi naman sa ayaw ko; takot lang ako kasi andyan pa si Ioan...isa... dalawa... tatlo... sino pa? ah! yung amo ko... wakeke... ng isang taon pa sila... ngunit sa may bandang katapusan lang ng taon namin nakumpirma na sila na talaga... kaya naging amo ko yung babae dahil dyan eh... wakeke... meron pang isa... ah ha! yung dalawang baguhan sa klase namin... hehehe... nakikipagtuksuhan yung lalaki dun sa babae... silang dalawa yung galing sa militar na pamilya... madaling turuan, hindi mamatay sa mga exercises na ginagawa namin, etc... si Piroska naman... aba ewan ko sa babaeng yun! sabi nya nasisiyahan sya sa "pakikipagharutan" sa mga lalaking yun... chikahan lang naman sa elektronikong-mensahero tsaka kakilala nya naman ng personal kaya siguro alam nya ang ginagawa nya... ngunit... nakapansin lang ako... kung kinukulit nya ako at si Pierre tungkol sa "kinabukasan naming dalawa na magkasama," e di hindi naman sigurong mali na isipin kong me gusto sya dun sa isang lalaking binibiro nya... ang gumugulo lang e sabi sakin ng kaibigan nya e pinares sya dun sa lalaking 'yun... aba ewan! magulo naman kasi ang bruhang yan eh! hindi ko isasali ang sarili ko dito... masaya ako ng mag-isa muna :D [JUSKOPONAMANOH!!! hindi ko pa pala naccode lahat ng mga pangalan dito!!! langya naman! sana wala pang nakakabukas dito...] PS. Added 2 Sakura+Syaoran arts in the Blends Section earlier ^.^ One has the lyrics & translation of Kaze no Machi He, which I got from Here. Credits are listed in the Sources section. ![]() |
|
|
| Ichihara Yuuko | September 5th, 2006 |
Sa lahat ba namang panahon na walang kasabihan si Yuuko, kinuha nya pa ang time!!! ayun tuloy... wala akong mas magandang pasimula sa sinusulat ko XPsinearch ko po sa mga iba't ibang webbies kaso wala talaga... kokonti lang ang nakita ko... hindi ako makapaniwalang walang may koleksyon ng mga kasabihan nya! Ang gaganda pa naman... walang hiya talaga! kaya, papanoorin ko ang lahat ng xxxHOLiC, at kokolektahin ko lahat ng mga memorableng kasabihan nya... o diba... ngayon, ang problema ko... saan ko ilalagay? dapat ba akong magpaalam? hay ewan! Bangag po ako ngayon! di pa 'ko nakakatulog at pagod na 'ko... nagcram pa 'ko sa mga hw ko!!! hay jusko! di bale... kinaya naman! ![]() o sige po... hanggang sa susunod! :D ang ikli nito!!! XD ![]() |
|
Currently feeling: bangag |
| Fear | September 12th, 2006 |
Takot. Kailangan ka ba talagang katakutan para makakuha ka lang ng kahit katiting na respeto? Ganun na ba ang panahon ngayon? Dapat mo ba talagang takutin ang isang tao para respetuhin ka? Wala na bang ibang paraan? O talagang nagbago na ang panahon... Ba't kaya 'pag nagtatanong ako sa mga kasamahan ko, sinasabi nila na dapat daw parusahan ko yung tao? Ganun na nga ba?![]() |
|
|
| Conference | September 21st, 2006 |
Marami pong nangyari sa'kin sa mga nakaraang araw ngunit hindi ko alam kung pa'no ko ilalagay... kaya pagkatapos ng halos sampung araw, tsaka pa lang po ako magsusulat dito... langya talaga... kung 'di pa 'to nangyari, ewan ko lang kung kelan ako maguupdate XPhmm... pano ko kaya 'to sisimulan? kung naaalala nyo po ang baliw kong kaibigan na itinatambal ako sa isang lalaki naming kaibigan... [konting FYI lang po... naging close kami ng lalaki sa mga nakaraang araw... mainly dahil sa mga gawain namin sa isang kalse ngunit naoofftopic ang mga chat namin kaya ayun... sya rin lang po ang kaisa-isang kachat ko sa mobile...] well, kanina pong hapon, nakipagchat sya sakin... tas dun sa lalaki... pagkatapos ng ilang minuto, ayun! tinamad at ginawa nyang confe... tas ang sabi nya sa confe, "Ha! sa wakas napagsama ko na kayong dalawa!" ng nabasa ko 'to, wala akong magawa kundi tumawa... 'di nya lang alam kung gano katagal na naming naguusap... sabi pa, "on sya pag aalaskwatro... para sa kaalaman mo..." napangiti ako dito... ewan ko kung madaling araw o hapon, ngunit alam ko kung OL sya o hindi... e nasa listahan ko yun eh! tas ewan... sya nga ang nagsimula ng confe na yun pero halos kami ng lalaki ang naguusap.... ay mali! halos ako lang pala ang nagttype XP ewan ko kung bakit, ngunit parang madaldal ang labas ko... sa katotohanan, mas madaldal ata yung dalawang yun sakin... [ngunit mas madaldal ata yung batang ako ]sabi pa nga ng loka, para daw kaming matandang magasawa... kasi nga nag"babangayan" kami sa isang topic... tas ayun... ewan... langya naman kasi ang babaeng yun... nakakakilig na nakakatakot ang mga naiisip... ang masarap kasi wala syang alam sa mga pinagagagawa namin sa likod nya... ahahahaha! parang ang sama namin... ngunit nakakatakot nga yung loka na yun eh.... sabi nga ng lalaki sakin gusto nya na raw patayin... sabi ko naman tulungan ko sya sa pagdispose ng katawan... hindi naman sa talagang papatayin namin yun po ha... figuratively speaking... ewan ko nga po kung anong gagawin ko.... anong gagawin namin... sasakyan ba namin ang imahinasyon nya o pabayaan lang namin syang magpantasya... siguro sa ngayon pababayaan muna namin sya... ngunit pano kung sumobra ang pagpapantasya nya? jusko po! ![]() |
|
|
| Broken Routine |
Ok, aamin na po ako... Aaminin ko na, na kahit gaano nakakatakot ang pagpapares samin ng baliw kong kaklase, nalaman ko na may isang parte sakin na nagugustuhan yun... Sa mga nakaraang araw, may routine na po kaming na gawa... mabilis ngang nagawa yun, ngunit kasimbilis ding nasira... hindi naman sa nawala ng tuluyan... total ilang beses pa lang naman tong nangyari eh... isa pa, hindi naman ganun katagal yung routine... Nakakapanibago lang naman po kasi eh... halos araw-araw kaming nag-uusap ng mahigit sa tatlong oras, mula pagdating namin sa bahay hanggang sa matapos namin ang aming mga takdang aralin... kahit nga tapos na ang mga yun, naguusap pa rin kami... at pagkatapos ng isang confe naming tatlo, parang... ewan... hindi ko alam, ngunit parang may nawala sa'min... sana lang bukas ayos ulit kami... Dupang talaga.... walang hiyang dupang... nakakainis 'to... hindi naman sa may namamagitan sa'min kundi... hindi naman siguro makakasama ang magsabi ng isang mabilis na "magandang gabi, matutulog na 'ko... kitakits" 'di ba? Ngunit 'di ko naman sya masisisi... mahigit sa limang oras na ang huli naming mensahe sa isa't isa kaya siguro natural lang na biglaan na lang syang mawala... isa pa, ako naman ang nagsabing aalis muna ako ng sandali... siguro natagalan ang dupang kaya ayun! Kainis lang kasi ng nakabalik naman ako, sya naman ang wala... langyang dupang talaga... at eto pa... una, andyan si mokong... langyang mokong... tas ngayon, ano 'to? dupang naman? langyang dupang... jusko po naman... sana lang mas mabuti ang kauuwian nito... sana 'di 'to mauwi sa wala gaya ng dati... subalit, may uuwian ba talaga 'to o nagpapantasya na rin kaya ako kagaya ng baliw na yun? after all, pareho kaming baliw... ---------- opo, isa po itong himala... dalawang entries sa isang araw.... pareho pang mahaba-haba... ![]() |
|
|
| Left Out | September 24th, 2006 |
As if hindi pa sapat na parang 3rd wheel ako pag kasama ko si Den at yung syota nya, eto naman ang mabait kong tiyuhin... at ang kanyang "I plea the 5th"... walang hiya naman talaga... sino ba kasi ang nakaisip nito? XPpiknik po namin kasi kahapon... hindi ko alam kung paano ngunit napansin ko na halos lagi kaming magkalapit ni Pierre... kung kapalaran yun o ano, hindi ko alam... subalit... hindi ko pa rin maalis sa'kin ang ideya na konti na lang at para na 'kong linta... ewan... jusko po... konti na lang eh... ayaw ko yatang tapusin 'to XP [langya... kung tutuusin may katuwiran si Piriska na ipagtambal kami... he he he... aakalain talaga ng tao na may namamagitan sa'min dahil sa kalapitan namin XD jusko!] at... may isa pang nangyaring.......... nakakapagligalig... yung tiyuhin ko... parang may alam sya na sa tingin ko'y alam ko ngunit hindi pa pinapaalam sa'kin... sabi pa naman [kay Pierre, sabay turo], "minamasdan kita"... tas sa'min sa katapusan ng piknik, "minamasdan ko kayo..." tinuro pa kaming dalawa... heh, tas may isa pa... dun sa lalaki, "'wag mong lolokohin ang pamangkin ko... kung hindi..." 'di ba? parang may nalalaman sila na ayaw nilang sabihin sakin... sayang at hindi ko masyadong nakita ang mukha ni Pierre... e di sana ngingiti-ngiti na lang ako... kahit ano... sa akalang may koneksyon ang dalawa, tinanong ko yung tiyuhin ko kung kakilala nya si Piriska... sabi daw hindi... tinanong ko rin si Piriska, hindi nya daw rin kilala ang tiyuhin ko... kahapon din po pala, tinanong ko yung tiyuhin ko kung ba't nya ginawa yun [yung "minamasdan ko kayo"] sa tuwing makikita nya kaming magkasama... bago matapos yung okasyon, sabi nya sasabihin nya sa'kin pag marunong na syang magTagalog [hehehe, "TA-ga-lowg" XD] pagdating ko naman sa bahay, nakipagchat ako sa kanya... tinanong ko ulit... sabi nya naman kinukulit nya lang daw ako/kami... tas sinabi ko kung ano yung sinabi nya sakin nung una... ang sagot: "I plea the 5th" [US 5th amendment] may nagsisinungaling 'di ba? may nakakaalam 'di ba? may nangyayaring dapat kong malaman... kelangan kong malaman... minsan naiisip ko na nilalakad yung lalaki... dalawang taong hindi magkakilala... at pareho silang pinagtatambal kami... wala naman akong natatandaang sinabi sa kanila kung may gusto ako... [jusko po sana wala akong nasabi sa kanila!] kaya kung may talagang dapat tingnan dito... ay yung lalaki... yun ay kung hindi nila napagkamanan and "kabaitan" ko sa... alam nyo na... hay ewan... natatakot lang ako... na pagkatapos ng lahat ng panahon na hindi kami naguusap ng mokong eh may pagtingin pa rin ako sa kanya... at kay dupang... natatakot ako na masasaktan ang isa sa kanila... ako, alam kong kahit pa'no makakayanan ko... ngunit sila... ewan ko... I'm in a sticky situation. A VERY sticky one at that. ![]() |
|
|
| Torn Apart | September 30th, 2006 |
"sometimes, you have to give up something for others to work..." [kasabihan ko po ngayong linggo :D]hmm... sa karir... sa pag-ibig... para yatang pinagaagawan ako ng lahat ngayon ah... konti na lang at hahatiin ko na ang sarili ko... nakakainis naman kasi... 'di ako masyadong magaling sa paggawa ng gan'tong desisyon... at pakiramdam ko na dapat alam kong gawin halos lahat na bagay.... ewan ngunit gusto kong maging all-around na tao ^.^ parang masaya kasi eh ![]() ayos na sana ang pagmumultitask ko kung di lang ako ginawang kumander ng isang team e di sana ayos ang buhay ko... kaso hindi eh.... hindi naman sa nagrereklamo ako kung 'di.... hindi naman kaya... pakiramdam ko kasi nadaya yung iba eh... ako na baguhan ang parang maguutos sa kanila[ng dalawa] na mas may karanasan sa'kin... ngunit, hindi naman ako ang may kasalanan nun eh... pinuwersa naman kasi ako ng guro ![]() at sa parang 'di pa sapat yan... kelangan ko ring isakripisyo ang reyders... imbes na nakapagpraktis ako ng PE, e hindi kasi kelangan ako sa dalawang grupo... yung isa dahil ako ang kumander... yung isa dahil ako yung pang-apat na tao... ewan... sana lang kayanin ko... sana makabalik ako... sana hindi ako papalpak... heh, kung namomobrlema na 'ko dyan, ano pa po kaya sa tingin nyo ang naramdaman ko ng kasama ko ang dalawang lalaking nagpatibok sa puso ko sa isang lugar? ang saya 'no? walang hiya talaga... andun, naglalaro, si Mokong... eto, nagmamartsa, si Dupang... at ako... ako... ewan... hindi ko alam kung dapat kong hawakan o pakawalan si Mokong... parang wala naman siyang syota... desente naman, medyo... tas, kung 'di pa masama yan, may nararamdaman pa rin ako sa kanya... o naloko ko ang sarili ko na isipin yun... eto naman si Dupang... mas mabait sya sakin... hehehe... masarap kasama... masayang kausap... minsan, may konting "away" kami... bangayan ba... [sabi nga ni Piriska para daw kaming matandang mag-asawa... ngunit dahil nanggaling sa kanya yun, hindi ko alam kung dapat ko syang paniwalaan...] hindi ko alam kung dahil din sa babaeng yun o ano, ngunit parang hindi kumpleto ang araw ko kapag 'di kami nag-usap... naks! hay, walangya... ngunit... napapansin ko na parang magkalapit din sila ng isa pang babaeng kasingtangkad ko... halos nga magkaparehas kami ng babaeng yun... yun nga lang eh hindi ako kasingdaldal nya... ang ngayong ako... ayaw ko naman po kasing mandaya eh... at para sakin, ang mag'mahal' ng dalwang lalaki ng sabay... sa magkaparehong paraan... at wala silang alam... ay isang malaking pandadaya... ngunit, andyan naman ang ideya na... mahal ko ang isa [o kahit pareho] sa kanila na parang kapatid... kung sino, hindi ko alam... hindi naman kasi patas kay Dupang kasi kamakailan lang kaming nagkakilala ng lubos... si Mokong naman... ewan, hindi ko na sya masyadong kilala... kahit naman noon pa hindi ko sya masyadong kakilala... "sana dalawa ang puso ko" hah! hindi ko akalain na makakarelate ako sa kantang ito jusko po! ngunit, kahit dalwa pa man ang puso ng isang tao, hindi mo pa rin maaalis ang katotohanan na isang tao lang yun... at may minamahal syang dalawang tao... dalawang, magkaibang tao... hindi pa rin patas... kaya, para sa'kin... kung kinakailangan kong masaktang muli... kung yan lang ang paraan para malaman ko kung ano ang tunay kong nararamdaman... aba! sige! kakayanin ko... andyan ang Diyos... andyan ang mga kaibigan ko... kakayanin ko ang sakit para wala hindi masaktan ang kahit isa sa dal'wang yun...isa... dalawa... sapat yan para sa ngayon... ah, wala po palang klase sa Lunes... at Oktobre na bukas... kelangan ko ng gumawa ng layout! ![]() ![]() |
|
|

What better way to start the month, ne? Matagal na rin since huli akong nagpost ng quizzes... jusko! Setyembre na!!! AHHH!!! bagong buwan, bagong simula 










