Entries for November, 2006

Happy Halloween! New Layout, Too!

November 1st, 2006

okies... alam ko pong halos kalahating buwan na kong walang isinusulat dito.... tinamad po kasi eh ngunit, ilalagay ko po yun sana bago matapos ang Nobyembre XD

bagong layout po ^.^ Aurora Borealis po yan kyut 'no? aurora lang po sana ang ilalagay ko, kaso ng tiitinnan ko, parang sobrang plain.... maganda nga naman ang aurora, ngunit sa layout, halos walang kalaman laman... eh tamang tama namang nagupdate ang Aethereality... kaya ayun! ^.^ ilalagay ko po ang tamang credits mamaya o bukas... kung kelan ako pwede

hmm... halos dalawa o tatlong buwan na rin simula nung ipinagtambal ako sa lalaking yun... at imbes na magkahiyaan kami o kung ano pa man, mas nagkalapit tuloy kami... pinapasalamatan ko ang Diyos dahil napagsama kami sa isang grupo... at na-uunderan ko sya... HA! XD salamat din sa guro namin... at kung ano o sino pa man ang may kinalaman sa pagsasama namin----teka... may isang interpretasyon pa ang salitang yan XP ibig sabihin ko po ay yung grupo

ewan ko po ngunit... nahuhulog na ang loob ko sa dupang na yun... [haha, dupang... namiss ko yan! XD] pa'no naman hindi? masarap na kausap, nakakatawa [napatawa nya nga yung umiiyak naming kaklase XD "sino ang guro mo?" "[pangalan]" "so, sino yung guro mo?" "[pangalan] nga" "oh! akala ko sabi mo masama sya" mhmm... corny... kasi naman ingles yun eh... tsaka ayaw kong ibuko yung pangalan...], medyo kagwapuhan pa, matalino kung gugustuhin nya, tas, ewan... basta! siguro ayos lang kung sabihin ko na mas mabuti sya kesa kay mokong... si mokon parang pangongopya lang ang intensyon nya sakin.... ngunit si dupang... walang kopya-kopya... tao't kaibigan talaga ang turing nya sa'kin...

takot nga lang po ako kasi baka nahulog lang ang loob ko sa kanya dahil sa pagpapares na yun... walang hiya naman kasi eh... kung wala syang [yung kaibigan kong loka-loka't hindi rin makatulog] sinabi, e di siguro ngayon sigurado ako sa nararamdaman ko... ngunit hindiiiiii... kailangan nya lang talangang buksan ang bibig nya...

All Souls' Day at All Saints' Day pala ngayon tsaka bukas.... nakow! pangatlong taon na 'to na hindi ako nakakapunta sa sementeryo.... e pano naman kasi nasa kabilang panig yun ng mundo! XP kaya ayun.... magsisimba ata kami bukasmamaya... may kase din ako kaya, kahit pa'no makakapunta kami ng simbahan...

sige, yan po muna...



Posted by Calanthe at 01:24 AM | Gets?


« 2006/10 | 2006/12 »



¤ Home
¤ Archives
¤ Profile
¤ Portfolio
¤ Link Me
¤ Sources
¤ Joined Fanlistings
¤ Tagboard